Mattea's POV Ang lamig. Hindi ko maipaliwanag ang lamig na nararamdaman ko ngayon, parang nababasa ang buo kong katawan. Ilang beses akong kumurap ngunit wala akong makita. Nasan ako? Bakit tila nasa isang mundo ako na tanging kadiliman lang ang aking nakikita? Daig ko pa ang isang bulag. Kinapa ko ang aking sarili, may damit ako ngunit sobrang basa. Nilalamig ako dahil don ngunit hindi ko maipaliwanag ang aking nararamandam ngayon. "Mattea, kailangan mong tumakbo." Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang boses na 'yon. Bigla akong kinabahan dahil ngayon ko lang ulit narinig ang boses na 'yon matapos ang... Siyam na taon. "Ma?" Sambit ko habang nanginginig ang aking mga labi. "Ma! Nasan ka?!" Sigaw ko. Bakit wala akong makita? "Mattea." Napasinghap ako at mulin
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books