Mattea's POV "Wala ka na bang ibang gown diyan, Gianna? Ang sikip-sikip nito sa may dibdib eh, baka masira ko 'to kaagad." "Yan na ang pinakadisenteng gown na meron ako kaya wag ka ng magreklamo dahil ang sexy-sexy mo nga! Parang hindi mo naranasan ang umire." Napangiwi ako nang hinalihin niya ang aking buhok dahilan upang mapatampal ako sa kamay niya. "Aray! Kakalbuhin mo ba ako?" "Shunga! Kung oo, edi sana nong natutulog ka pa. Wag ka kasing malikot! Ikaw na nga 'tong inaayusan ng libre." Inirapan niya ako sa repleksyon ng salamin bago inayusan ang aking buhok. Biglang may sumampang bata sa aking hita dahilan upang mapatingin kaagad ako sa kanya. "Mama, san ka pupunta? Bakit po kayo nakamake-up tsaka nakagown?" Kunot-noo nitong tanong sa akin. "May pupuntahang party si Mama ana