Mattea's POV Nakangiti lang ako ngayon buong araw. Nilinis ko ang buong apartment na inuupahan ko at kulang na lang ay katokin ko ang bawat kwarto para magbigay ng libreng palinis sa kani-kanilang apartment din. "Aba, hindi ko alam na sumasideline ka na rin pala bilang tagalinis ng buong apartment ni Aling Susan," komento ni Gianna sa gilid habang nakaupo at nakatingin sa akin na ngayon ay winawalis ang parking lot ng buong apartment. Isang matamis na ngiti ang kaagad kong isinukli sa kanya bago muling nagwalis dito dahil konti na lang at matatapos ko na ito. "Teka nga lang... Sabihin mo nga sa'kin ang totoo, Tia." Rinig kong wika ni Gianna matapos kong ilagay sa loob ng malaking basurahan ang mga naiwalis kong kalat dito lalo na ang illnag tuyong dahon. Matapos kong itabi sa gilid a