Mattea's POV "Mama anong gawa mo? Nagtitingin kaba sa listahan ng mga utang natin?" Kaagad kong nilingon si Mauvy nang sumampa ito sa aking hita matapos niyang maglaro ng chess. Nakaugalian na talaga nitong maglaro ng chess tuwing gabi bago matulog. Gusto nga niyang makipaglaro sa akin pero hindi ko naman alam kung paano, si Timothy lang. "Hindi noh, wala na tayong utang dahil nabayaran na lahat ni Mama," wika ko sabay tingin ulit sa isang papel kung saan may higit trentang pangalan ang nakasaad ngunit hindi bababa sa apatnapu. Tinabi ko ito atsaka kinarga si Mauvy papunta sa lababo atsaka kami sabay na nagsipilyo. Saktong pagkatapos naming magsipilyo ay bigla na lang itong humikab sabay kusot sa kanyang mga mata habang nakaupo dito sa ibabaw ng counter top. "Inaantok na ba ang baby n