Mckenzie's POV Pabagsak kong inilapag sa loob ng sasakyan ang mabigat na bag na hawak ko bago mabilis na tinungo ang driver's seat. Ngunit bago pa ako makapasok sa loob ng aking kotse, napatingin ako sa dalawang taong nakatayo sa harap ng isang bahay. It was Elson and Ena. "Thank you for your help, but I couldn't let the both of you get involved in our game." Sabi ko sa kanilang dalawa dahilan upang mapatango sila. "Mckenzie." Pagtawag sa akin ni Elson nang magbalak na akong pumasok sa loob ng kotse. "Anong gagawin mo sa oras na makita mo si Lovemir?" Tanong niya ngunit hindi ko ito sinagot. My silence is loud enough for him to know the answer. Nakita kong napahawak ng mahigpit si Ena sa braso ni Elson bago ako tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan. Wala akong inaksayang oras, nang