Mattea's POV "Tama ba 'to?" "Wag kang malikot! Punyeta ka, ang likot-likot mong bihisan." Singhal sa'kin ni Gianna nang galawin ko ang aking buhok na may magandang headdress. Pangalawang pagkakataon ko pa lang ngayon na makapagbihis ng ganito kaya hinidi ko maiwasang maglikot ng bahagya lang naman. 'Tong si Gianna sobrang OA lang tala. Hindi na rin kami nagtagal pa sa pagbibihis dahil nakabooked na ako ng grab kaya nong natapos na kami, umalis na ako sa bahay ni Gianna pagkatapos kong magpaalam sa kanilang dalawa ng anak ko. Nang makarating na ako sa mismong event kung saan magbibirthday si Elson, kaagad na hinanap ng aking mga mata si Ena na ngayon ay kausap na ang magandang ina ni Elson. Sinama niya ako sa usapan nila atsaka pinakilala sa ina ni Elson bilang kaibigan niya at isan