Mattea's POV Bigla na lang bumukas ang pinto ng kanyang opisina atsaka don iniluwa ang isang magandang dalagita na nakakunot ang noo. Maganda ito kahit na ganon. "Kuya, bakit hindi ka umattend sa PTA meeting namin kanina?!" Bungad niya habang dere-deretsong nagmarcha papunta kay Mr. Gutierrez. Parang hindi niya ata ako napansin dahil ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Kinuha ko naman ang pagkakataon na ‘yon para tumabi sa pinakagilid ng opisina ni Mr. Gutierrez. Hanggang ngayon, naghaharumento parin ang dibdib ko, hindi dahil sa ginawa namin kanina ni Mr. Gutierrez kundi dahil sa takot na muntikan na kaming mahuli. Siguro kung hindi pa sumigaw ang kapatid niya sa labas, baka tuluyan niya kaming nahuli. Nakakahiya ‘yon kung nagkataon! Sobra! “Was it today?” Bumagsak ang