Mattea's POV "Aba, aba, aba! Sino ang nagsabi sa'yo na pwede mo nang kainin ang tsokolate kahit hindi mo pa natatapos assignment mo, aber?" Saad ko habang nakahalukipkip nang madatnan ko si Mauvy na kumakain ka ng kanyang tsokolate. Nagbanyo lang ako tas pagbalik ko ay nakabukas na ang pakete ng tsokolate rito. "Mama, takam na takam na ako eh. Sayang din pagmae-expire lang 'to." Pagrarason niya dahilan upang mas magsalubong ang dalawa kong kilay. "Nagpapalusot ka pa, eh hindi naman mae-expire kaagad ang mga tsokolate na 'yan." Turo ko sa sandamakmak na tsokolateng nakalagay sa malaki kong tupperware dito sa loob ng apartment. Bigla na lang kasi akong inabotan ng isang paperbag ni Mr. Gutierrez kanina bago ako umuwi. Sinabihan niya lang ako na galing iyon sa mga kliyente niya atsaka