Mattea's POV Nakaupo ako ngayon sa loob ng isang cafe at may hinihintay na dumating. Break ko ngayon sa trabaho at nagpasya akong pumunta rito sa isang cafe na nasa tapat lang ng pinagtatrabahoan ko. Habang naghihintay, hindi ko maiwasang alalahanin ang mga tanong na gusto kong ibato sa lalakeng katagpuan ko ngayon. Nagkita ulit kami ni Trek nong nakaraang araw atsaka napagkasunduan na magkikita kami ngayon. Sana hindi siya nawiweirdohan sa akin... May mga tanong lang ako na gusto kong maisagot niya. Deretso akong napatingin sa pinto ng cafe nang bumukas 'yon atsaka iniluwa ang isang matangkad at mahitsurang lalake. Lahat ng mga kababaihan na narito ay napapatingin sa kanya. "Trek!" Pagtawag ko sa kanya atsaka itinaas ang aking isang kamay. Napansin niya kaagad ako kaya dumiretso s