Mattea’s POV "Diyos ko, Mauvy. Ba't andami mong dala?" Usal ko nang makita kong may bitbit itong malaking paperbag. Mag-aalsa balutan ba ang batang 'to? Hiniram lang 'to saglit ni Madam Yvonne ah, pagbalik parang aalis ulit ito. "Mama! May chess ako!" Kaagad niyang ipinakita sa akin ang laman ng malaking paperbag atsaka hinugot mula roon ang isang chess board na halatang mamahalin. "Bigay sa'kin ni Sir! Tsaka ilang damit na binili sa'kin ni Madam!" Masaya at bibong-bibo nitong saad. Parang hindi ata 'to napagod sa pamamasyal nina Madam Yvonne kanina ah. Ang liksi-liksi parin kasi nito kahit hapon na. "Nagpasalamat ka ba?" "Oo naman po!" Nakangiti nitong sagot sa aking tanong bago muling nagsalita. "Mama, sino po siya?" Kaagad akong napakurap nang may itanong sa akin ang anak ko