Mattea's POV Mag-isa akong pumunta ng mall ngayon para mag-grocery. Hindi ko maiwasang maexcite dahil ito na ata ang pinakamarami kong nabiling grocery para sa aming dalawa ng anak ko. Pero medyo malungkot din dahil hindi ko kasama si Mauvy, humingi kasi ng permiso sa akin si Madam Yvonne na kung pwede ay hihiramin niya ang anak ko. Nakakatuwa si Madam sa totoo lang, hindi na rin naman kasi ito ang una naming pagkikita. Sobrang bait niya at napakagaan ng loob ko sa kanya, siguro dahil na rin gustong-gusto siya ni Mauvy at komportable ang anak ko sa kanya. O baka dahil nakikita ko ang ina ko sa kanya... Mapait akong napangiti nang maisip ko 'yon atsaka itinulak ang pushcart dahil ako na naman ang magbabayad ng pinamili ko. Nakangiti akong lumabas ng grocery na may bitbit na tig da