Mattea's POV Ilang araw na ang nakakalipas at palipat-lipat kami ng mapupuntahan. Kumikilos na nga ang iba sa paghahanap kay Mckenzie at nang malaman nila ang lokasyon kung saan kami unang pumunta, kaagad kaming umalis. Kasama parin namin sina Elson at Ena pero ang mga pinsan ni Mckenzie ay kinailangang umuwi. May mga pamilya rin sila at halatang may hinala na ang ama ni Mckenzie na may alam ang mga pinsan nito kung nasan siya. Kaya ito ang unang araw na hindi namin sila nakakasama mula nong sabay silang apat na bumisita kay Mckenzie sa bahay bakasyunan ng pamilya nina Elson. "They won't be visiting us today; Denver has a hunch that someone is following him yesterday when he's planning to visit us again." Rinig naming wika ni Mckenzie habang nakatayo at nakatingin sa labas ng bintan