Mattea's POV "Mattea, you're not in your usual mood. Ayos ka lang ba?" Nabalik ako sa reyalidad nang tapikin ni Timothya ng aking balikat. "S-Sir Tim, kanina pa po ba kayo diyan?" Tanong ko nang makita ko itong nakatayo na sa aking tabi. Bigla kong inilibot ang aking paningin sa buong palapag ng floor at ngayon ko lang napansin na ako na lang pala ang natitirang tao rito. Hindi narin ito masyadong maliwanag dahil nakapatay na ang ilang ilaw dito. Tulad nga ng aking sinabi noon nakaraang linggo, mag-oovertime ako ngayon. "Oo, at mukhang lutang ka na naman. May problema ba? Masyadong malalim ang iniisip mo kaya hindi mo kaagad ako napansin." Humingi ako ng paumanhin sa kanya bago inayos ang nagkalat na mga sticky notes sa ibabaw ng aking mesa at may isang coffee cup pa na halatang u