Mattea's POV "Excited na ako, mama!" Hindi ko maiwasang mapangiti nang marinig ko 'yon mula sa isang madaldal na bata na nasa aking tabi. Masaya itong hawak-hawak ang isang pandesal habang nakasakay kami sa traysikel. "Talaga? Aba, dapat lang! First day of school mo ngayon eh." Isang malapad na ngiti ang kaagad na isinukli sa akin ni Mauvy, kulang na lang ay mawawala na ang kanyang mga mata. "Oh, uminom ka ng juice, baka mabilaokan ka diyan sa pandesal mo." "Thank you, mama! Kailangan ko nga po ng juice kasi ang tigas ng tinapay nina Aling Belen." "M-Mauvy, ano ka ba." Pagsasaway ko sa kanya bago pinunasan ang kanyang bibig. Narinig naming napatawa ang traysikel drayber kaya sabay kaming napatingin ni Mauvy sa kanya. "Ganyan nga Mauvy, dapat maging tapat ka ha? Bawal ang magsinungal