Mattea's POV Natutulog parin si Mckenzie ngayong umaga, habang kami naman ni Ena at naghahanda ng makakain namin. Si Elson ay lumabas para bumili ng mga ilang groceries dahil hindi namin alam kung ilang araw pa kaming magtatagal dito. Pero nabanggit ni Elson na hindi kami aalis dito hangga't hindi pa tuluyang nakakatayo o nakakarecover si Mckenzie. Nabanggit niya rin na possibleng sa oras na 'to ay hinahanap na si Mckenzie, kaya hindi ko maiwasang kabahan para sa kanya. At dahil ganito ang natamo ni Mckenzie mula sa kanila, halatang mapanganib sila kaya kailangan naming mag-ingat. "Tia, tumutunog ang cellphone mo." Napakurap ako nang tawagin ako ni Ena. Kaagad akong napalingon sa aking likuran atsaka deretsong napatingin sa ibabaw ng mesa kung nasan ang cellphone ko. Iniwan ko saglit