KABANATA 5

2040 Words
Mattea’s POV Kape. Kape. Kape. SAAN BA AKO KUKUHA NG KAPE?! Diyos ko po, nakalimutan kasing sabihin sa akin ni Sir Guinido kung saan ako kukuha ng kape para sa boss namin nang dahil na rin sa pagmamadali. Nabanggit niya kasi sa akin na may pupuntahan pa itong ibang department dito sa kompanya kaya matapos niyang sabihin sa akin ang inutos niya kanina ay tuluyan na rin itong naglaho. “Uhm, miss? San ako kukuha ng kape?” Kinalabit ko ang isang babae sa gilid atsaka nagtanong na rin sa kanya kaagad. “Kape? May vending machine sa lower floor. Don kami kumukuha ng kape.” Sagot niya sa akin atsaka ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa. Naikagat ko ang aking ibabang labi bago tuluyang tinahak ang elevator, pero sa pagkakataong ito, ibang elevator na ang sinakyan ko. Ayoko ng sumakay ulit sa elevator na ‘yon! Ayos lang ba na sa vending machine ako kukuha ng pangkape ng boss namin? Hay, kaloka! Ewan! Ang importante ay mabigyan ko ito ng kape! Kaagad akong humugot ng ilang barya sa loob ng aking bulsa atsaka ‘yon inihulog sa isang coffee vending machine. Lumabas ang maliit na paper cup doon atsaka sumunod na ang kape. Dali-dali ko ring tinahak ulit ang elevator bago pinindot ang nag-iisang letra rito. “Mr. Gutierrez is an irritable man. Maikli lang ang pasensya nito.” Napapikit ako nang maalala ko ang sinabi sa akin ni Mr. Guinido. “Bilisan mong umakyat, ano ba…” bulong ko sa sarili habang nakatitig sa elevator screen dito sa loob. Nasa 8th floor pa lang ako. Nang marating ko na ang sinasabi nilang President’s Floor, kaagad kong tinahak ang pamilyar na pintong nakita ko kanina lang kung saan pumasok ang lasenggerong lalak— este boss namin. Napabuga ako ng hangin bago kumatok sa pinto niya atsaka ito dahan-dahan na binuksan. Una kong ipinasok ang aking ulo sa siwang ng pinto, nang makita ko itong nakaupo sa harap ng kanyang mesa ay kaagad din akong pumasok sa loob. Sobrang tahimik ng opisina niya at tanging pagtatype lang sa kanyang laptop ang naririnig ko rito. Ang linis-linis ng buong silid, parang wala ni isang pirasong alikabok kang makikita. Timikhim ako para ipaalam niyang hindi lang siya ang taong andito sa loob ng opisina. “G-G-Goodmorning po, sir.” Nauutal kong bati sa kanya dahilan upang mapatingin ito kaagad sa aking direksyon. “Why are you here?” Kunot-noo nitong tanong sa akin. “I-Inutos po sa akin ni Sir Guinido na dalhan ko kayo ng kape kaya…” Lumapit ako sa kanyang mesa bago dahan-dahan na inilapag ang dalawa kong kape. Sinundan niya ng tingin ang aking kamay atsaka napatitig sa maliit na paper cup na may laman na kape sa ibabaw ng kanyang mesa. “What the f*ck is that?” Aniya sabay turo sa maliit na paper cup. “Kape po, sir.” Palihim akong napatingin sa isang pangalang nakaukit sa babasagin na bagay sa ibabaw ng kanyang mesa. Pres. Mckenzie Rainier Gutierrez CEO of Straight Movers Logistics Napalunok ako nang makita iyon. Walang kaduda-duda, siya nga ang sinasabing Mr. Gutierrez ni Sir Guinido. “I don’t drink coffee in a cheap paper cup. Put that in a trash.” Utos niya sa akin bago muling itinuon ang kanyang atensyon sa harap ng kanyang screen. “Ay nako sir, hindi po pwede ‘yan.” Napahinto ito sa pagtatype nang bigla akong magsalita. “Hindi po kayo pwedeng magsayang ng makakain o inumin kahit cheap po ‘yan. Andaming nagugutom sa Pilipinas kaya—“ “Stop. Talking.” Maitikom ko kaagad ang aking bibig. Punyeta ka, Tia. Bakit ba hindi mo maipreno yang bibig mo kung minsan? “Who sent you here again?” Deretso akong napatayo nang tanungin niya ‘yon. “Tell me who sent you here, I’m going to fire h—“ “WAG!” Mas lalong kumunot ang kanyang noo nang tumaas ang boses ko na tila hindi ito makapaniwala na nasigawa siya ng sarili niyang empleyado. “E-Este, wag po M-Mr. Gutierrez. P-Pagtitimplahan na lang po kita ng bago.” “It’s a waste of time. Just buy me a coffee, asap.” Muli itong humarap sa kanyang laptop na nakakunot ang noo. Abalang-abala na ulit ito sa pagtatype kaya hindi ko maiwasang titigan ito ng mabuti. Akalain mo nga naman, oo. Ganito pala ito kaseryoso pagdating sa pagtatrabaho? Tipikal na boss talaga eh, yung masungit, suplado, pogi, matangkad, maganda ang pangangatawan, tas mukhang masara— “That’s s****l harassment.” Napakurap ako ng bigla itong magsalita. “P-Po?” Huminto ito sa pagtatype atsaka ako muling tinignan gamit lamang ang mga mata nito. “You, staring at me like that is a form of s****l harassment." Napalunok ako sa sinabi niya bago nag-iwas ng tingin. "Eh y-yan sir, hindi na po ba? Hindi na po ako nakatingin eh--" "Out." Napaderetso ako ng tayo nang sabihin niya 'yon. Hala s'ya! Nagalit ko ba ito? "Get out and buy me some coffee. I have no time talking with you." Napalunok ako ng ilang beses matapos ko yung marinig. Nakakatakot ang boses niya, mas lalo itong nagiging seryoso. Parang handa itong kumatay ng tao. Lumapit ako sa kanya atsaka kinuha ang kape bago ko inilahad ang isa kong palad sa kanya. Ang kaning nakakunot niyang noo ay mas lalong kumunot nang tignan ang palad ko. "Hihingi po sana ako ng pera pambili ng kape ninyo, Mr. Gutierrez." Nakita kong medyo napaawang ang kanyang bibig nang sabihin ko 'yon sa kanya. Biglang tumahimik ang kanyang buong opisina at ilang beses din itong napakurap bago kumuha ng pera sa loob ng kanyang bulsa. Humugot ito ng isang libo atsaka 'yon ibinigay sa akin na kaagad ko namang kinuha. "Anong kape po ang gusto niyo?" Pahabol ko pang tanong sa kanya bago ako umalis. "Black." Tipid nitong sagot na kaagad ko namang ikinatango. Hindi na niya ako nagawang tignan pa muli atsaka ipinagpatuloy ang kanyang ginagawang trabaho. "Buy 2 cup of coffees." Rinig kong pahabol pa niyang utos kaya tumango na lang ako bago tuluyang umalis. Dalawang kape? Mukhang kailangan niya talagang magbabad sa trabaho ngayon para umorder ito ng dalawang kape. "DIBA ikaw yung bago?" Napatingin ako sa babaeng bigla na lang dumating sa estasyon ko. Nang maalala ko ang kanyang mukha ay kaagad akong napangiti atsaka tumango. Nakabalik na ako rito sa floor namin at kasalukuyang nagtatrabaho. Pagbalik ko sa opisina ni Mr. Gutierrez, wala na ito roon kaya iniwan ko na lang ang mga kape niya sa ibabaw ng mesa. Baka may meeting na pinuntahan. "Buti hindi ka pinasibak kaagad," aniya atsaka mas lalong lumapit sa akin. "Bakit naman ako sisibakin kaagad?" "May insidente rin kasi noon na sumakay sa elevator ng may-ari, nagkataon din na nakasakay ang Presidente kaya ayun, sinibak kaagad. Ayaw na ayaw kasi ni Mr. Gutierrez na hindi nasusunod ang utos niya rito. Gawin mo na ang lahat, wag mo lang siyang suwayin." Napalunok ako sa sinabi niya bago dahan-dahan na napatango. Hindi ko alam na wala palang puso ang Mr. Gutierrez na 'yon. Mukhang isang pagkakamali lang ay sisibakin ka kaagad nito ng walang pagdadalawang-isip. "Siya ang batas rito." Dagdag pa nong babae. "Ah nga pala, ano ang pangalan mo?" "Mattea, Mattea Velia Aguillar." "Ena nga pala, Ena Pagona." Kinamayan niya ako habang nakangiti bago niya kinuha ang bakanteng upuan sa aking likuran atsaka tumabi sa akin. Nakita kong inayos niya ang kanyang salamin bago magsalita ulit. Mukhang magtsitsismisan kami rito ngayon ah. Pero mainam na rin 'tong may alam ako tungkol sa boss namin para maiwasan ko na kaagad ang dapat kong iwasan. "Tatlong taon na ako rito at masasabi kong kahit isang beses ay hindi ko pa nakakausap ang boss natin, pero nakita ko na siya." Panimula nito. "Sobrang pogi nga pero..." Lumapit ito sa akin atsaka may ibinulong. "... walang puso," aniya bago lumayo. "Ubod ng sungit at mukhang pasan-pasan ang buong problema ng mundo. Maraming babae ang nahuhumaling sa kanya lalo na rito sa kompanya kahit na masangsang pa sa isda ang ugali nito." Hindi na nakakagulat. Talagang madami ang magkakagusto sa kanya dahil unang-una, may hitsura ito, pangalawa, mayaman, pangatlo, mukhang masara-- Ano ba 'tong iniisip ko? "Ganyan na ba talaga ang ugali niya noon paman?" Tanong ko ngunit napakibit-balikat lang si Ena. "Ewan, walang nakakaalam tungkol diyan. Sobrang pribado kasi ng buhay niya. Ang tanging alam lang namin dito ay galing siya sa isa sa mga mayayamang angkan dito sa Pilipinas, ang mga Gutierrez. Kilala ang pamilya niya sa socialite society." Mukhang bigatin nga ito, pero nakapagtataka lang. Kung ganito ito kayaman, bakit ito itinapon sa labas ng bar kagabi? Tas sinabihan pang walang pambayad? Nakakaloka naman, nagkamali lang ata sila. Biglang tumahimik ang buong lugar namin dito kaya nagtaka kaming dalawa ni Ena. Nang lingunin namin ang buong paligid, bigla nalang napahawak ng mahigpit sa braso ko si Ena nang may makita kaming isang lalakeng naglalakad papalapit sa estasyon ko. "B-Bakit siya andito?" Rinig kong sambit ni Ena sa sarili. "Huh? Sino?" "Siya, yung lalakeng papunta rito." "Bakit? Sino ba siya?" "Siya si Sir Elson Trinidad, s-sekretarya ng boss natin." Nanlaki ang aking mga mata nang sabihin niya 'yon bago muling tinignan ang lalakeng nagngangalang Elson Trinidad. "Kailangan ko ng bumalik sa estasyon ko, Mattea, mamaya na lang ulit." "H-Ha? T-Teka lang--" Naikagat ko ang aking ibabang labi nang tuluyan na itong umalis sa aking tabi. Hindi ko alam bakit ako biglang kinabahan, siguro dahil alam kong papunta mismo sa direksyon ko ang sekretarya ng boss namin. Lahat ng mga mata ay nakatuon sa kanya pwera na lang sa akin, pero alam kong ang mga mata niya ay direktang nakapukol sa aking likuran. Ito na ba? Sisibakin na ba ako nito sa trabaho? Unang araw ko pa nga lang pero heto at mukhang maghahanap na naman ako ng bagong trabaho. "Ms. Aguillar, right?" Napaderetso ako ng upo nang marinig ko na ang kanyang boses sa aking likuran. "A-A-Ako nga po." Nauutal kong sambit matapos itong lingunin. Ngumiti ito sa akin at ang kasunod niyang ginawa ay talaga nga namang isa sa mga hindi ko inaasahan sa buong buhay ko. Kinuha niya ang isa kong kamay atsaka ibinigay ang isang kape na may nakadikit na sticky-note sa gilid. Ilang beses kong kinurap ang aking mga mata dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko rito. "This is an order from above, so please accept it," aniya atsaka napatingin sa ceiling. Dahan-dahan din akong napatingin doon at hindi maiwasang mapakunot ang aking noo. An order from above? Kung sa tagalog pa, utos mula sa itaas, hindi ba? Huli ko ng napagtanto ang ibig niyang sabihin nang tignan ko ulit ito. Nakangisi na ito sa akin na tila ba napagtanto niyang sobrang slow kong tao. "1 coffee is enough for him, Miss Aguillar," aniya. "P-Po? Pero kasi dalawa ang inutos niya sa akin." Mahina kong saad habang hawak-hawak parin ang isang kape. Mahina lang ang boses ko dahil alam kong ang daming tainga'ng nakikinig sa amin ngayon. "Yes, but the other one is for you." Natigilan ako at hindi na magawang makapagsalita na muli. Tuluyan ng umalis si Sir Elson dahilan upang magsibalikan na ang ibang empleyado rito sa estasyon nila. Kaagad akong napatingin sa kapeng hawak-hawak ko bago tinignan ang isang sticky-note na nakadikit dito. I told you, I'll give back the favor. -M Biglang nagflashback sa akin ang sinabi niya kagabi nong lasing ito. Muli ko ring naalala ang pag-uusap namin kanina sa elevator at kung paano niya nalaman ang pangalan ko. "Don't worry, I'll give back the favor." "I saw a copy of your resume in your apartment earlier and the card of this company." Napatakip ako sa aking bibig nang mapagtanto ko na ang lahat-lahat. Siya... Siya ang gumawa ng paraan para magkaroon ako ng trabaho rito, tama? Nakita niya ang resume ko sa apartment kanina kaya may posibilidad na... na... Tuluyan na akong napahilamos sa aking mukha atsaka napatitig sa kape na nasa ibabaw ng mesa ko lalong-lalo na ang isang sticky-note na nakadikit doon. Ena... sigurado ka bang wala talagang puso si Mr. Gutierrez? Kinuha ko ang kape atsaka uminom mula doon. Kung ganon, paano mo maipapaliwanag sa akin 'to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD