Mattea's POV Lutang akong naglalakad ngayon papalapit sa malaking apartment building na inuupahan ko. Maliwanag na rito at may iilang mga tao na rin ang naglalakad. Hindi ko alam kung paano ako rumeact kanina. Mahigpit akong napahawak sa malaking itim na jacket na suot ko ngayon at hindi maiwasang mapahinga ng malalim. Akala ko katapusan ko na kanina... Napailing na lang ako sabay liko sa kanan para pumasok na sa apartment building. May guard dito na kaagad akong binati kaya sinuklian ko rin ito kaagad. "Ma'am Mattea, may bisita po kayo kanina." Bisita? Sino? "Sino po?" "Hindi ko inalam ang pangalan ma'am, pero kasama siya ng anak ninyo." Ah, baka si Gianna lang 'yon, sinabihan ko kasi si Madam Yvonne na kontakin ang kaibigan dahil abala ako ngayong araw. "Sige po, salamat kuya