Mattea's POV Nagpasya ako na ngayong day-off ko namin pupuntahan ni Gianna ang bar kung saan ako huling nagtrabaho noon. Humingi naman ako ng pabor mula kay Aling Susan na kung pwede sana ay andon muna si Mauvy sa kanila habang may nilalakad kami ng kaibigan ko. Buti na lang din at walang lakad si Aling Susan ngayon kaya makakampante ako ngayon na nasa kanya ang anak ko. "Heto na ba yun, Gianna?" Tanong ko sa kaibigan ko matapos ko itong kalabitin. Nakatayo kami ngayon sa harap ng isang lumang bar na halatang wala ng maintenance. "Oo, ito na yun. Ilang taon na rin nong huli tayong andito kaya sobrang laki na rin talaga ng pinagbago." Mahina nitong saad bago hinugot sa loob ng kanyang bag ang isang cellphone. "Tatawagin ko lang muna yung bakla, check ko kung ito parin ba ang number niy