Mattea's POV "HINDI! ANONG PINAGSASABI NINYO?!" "Tatiana, will you stop shouting?" Ang ingay. May naririnig akong pagsigaw at ilang pagtama ng mga bagay sa pader o di kaya ay sa sahig. "I CAN'T! Hindi mo ako maiintindihan, Trevor, dahil wala ka namang kapatid!" Unti-unti kong inimulat ang aking mata atsaka inilibot ang aking paninging sa buong lugar. Tulad ng aking inaasahan, nasa ibang lugar na naman ako. Pero ang nakapagtataka ay bakit parang nakalutang ang kwartong ito? Nasan ba ako ngayon? Para akong dinuduyan na ewan, hindi ko maintindihan. Napatingin ako sa dalawang taong nasa kabilang parte ng lugar na ito, nakaupo ang isang lalake habang nakatayo naman ang isang babae sa kanyang harapan. May hawak itong telepono sa kamay at may mga basag na porcelain at vase sa paligid, h