PROLOGUE
“Mattea!” Napabalikwas ako ng aking kama nang isang malakas na pagkatok ng pinto ang bumungad sa aking umaga.
“Hoy, Mattea! Bumangon ka diyan!” Dali-dali akong tumayo mula sa pagkakahiga nang marinig ko ang boses ng may-ari nitong kwartong inuupahan ko.
“A-Andiyan na!” Wala na akong oras na tumingin pa sa harap ng salamin para makita kung may muta pa ba ako o tinuyong laway sa gilid ng aking labi.
Pagkabukas nang pagkabukas ko sa pinto ay kaagad na bumungad sa akin ang maliit na aleh na may inipit na sigarilyo sa kanyang bibig atsaka buhok na puno ng pangkulot.
Kaagad niyang inilahad ang isa niyang kamay sa akin dahilan upang mapatingin kaagad ako roon.
“Asan na?” Napalunok ako sa kanyang sinabi.
“A-Ang alin ho Aling Susan?” Napapikit ato sa aking naging tugon na tila nagtitimpi na.
“Lintek naman Mattea oh! Wag mo nga akong lokohin, asan na ang bayad mo sa upa? Dalawang buwan ka ng tengga sa bayarin ah.” Salubong na ang manipis netong kilay habang nakahalukipkip sa aking harapan.
“Aba eh kung hindi ka pa magbabayad, siguro mas mabuting magbalot-balot ka na diyan ngayon dahil—“
“T-Teka lang po! Wag namang ganyan Aling Susan, wala na akong ibang mapupuntahan eh.” Pagpuputol ko sa gusto niyang sabihin.
“Aba hindi ko na problema ‘yan, Tia. Naghahanap-buhay din ako rito. Pare-pareho lang tayong nagugutom.”
Napakamot ako sa aking batok dahil parang hindi ko na talaga siya makukumbinsa sa pagkakataong ito.
“P-Pwede ho bang partial p*****t po muna sa unang buwan ang babayarin ko? Walang-wala ho talaga kasi ako ngayon eh.” Pagsasabi ko ng totoo.
“Anong wala? Akala ko ba may bagong trabaho ka na?” Kunot-noo niyang tanong sa akin bago ako dinuro sa mukha.
“Ay nako Tia ha? Wag mo ‘kong pinaglololoko.”
“Hindi po kita niloloko Aling Susan, u-umalis ho ako kaagad sa trabaho ko eh.” Pagsasabi ko ulit sa kanya ng totoo.
Hindi ko kaya ang gabi-gabing raket ko sa loob ng isang bar bilang waitress diyan sa pangatlong eskina mula rito sa kanto namin.
Ayokong nababastos ako, at mas lalong ayokong may humihipo sa akin. Siguro sasabihin nilang masyado akong maarte pero hindi ko talaga maatim na gabi-gabi kong dadanasin ang ganyang klaseng bagay sa trabaho.
“Mattea, kung gusto mong mabuhay, bawas-bawasan mo yang pagiging maarte mo. Hindi na ‘yan uso ngayon.”
Oh diba? Alam kong ‘yan na rin ang sasabihin ni Aling Susan tungkol dito.
“Oh s’ya, ibigay mo na sa’kin yang partial-partial mo na ‘yan. Pagtiya-tiyagaan ko na lang yan ngayon.” Kagat-labi akong tumango sa kanya atsaka kinuha ang natitira kong limang daan sa aking wallet.
Barya-barya na lang at isang singkwenta ang natira sa akin. Pikit-mata kong ibinigay kay Aling Susan ang limang daan na kaagad naman niyang kinuha.
Nakita ko kung paano titigan ni Aling Susan ang aking mukha kaya hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya ng deretso.
“May hitsura ka,” aniya atsaka ako tinignan mula ulo hanggang paa.
“May ikabubuga rin ang katawan.” Dagdag pa niya bago ako muling tinignan ng deretso sa mata.
“Bakit hindi mo ‘yan gamitin nang mapakinabangan naman ‘yan? Kung ako ang nasa posisyon mo ngayon gagawin ko ang lahat umagat lang sa kahirapan. Aanhin ko ang pagiging inosente at puno ng puri kung mamatay lang din naman ako sa gutom?”
Napalunok ako sa kanyang sinabi dahil may punto rin ito. Hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya kong tiisin para lang pahalagahan ang pagiging pagkainosente ko.
Pero may rason kasi ako kung bakit ko iniingatan ang aking sarili at ang aking p********e.
Itinuro ni Aling Susan ang kanyang sentido bago magsalita ulit.
“Gamitin mo rin ‘to kung minsan, Mattea,” sabi niya bago tuluyang umalis sa aking harapan.
Sinara ko na ang pinto atsaka umupo sa ibabaw ng aking kama na nasa sahig lang. Tanging manipis na foam lang, isang unan at isang kumot ang pinagtiyatiyagaan ko rito.
Mainam na rin ‘to kesa ang humiga ako sa malamig na sahig.
Inayos ko ang aking hinihigaan atsaka kinuha ang tuwalya para maligo. Kinailangan ko nang makahanap ulit ng trabaho ngayon dahil kung hindi, baka mamamatay na talaga sa ako gutom nito.
“OH sunod! Bilisan ninyo ang kilos dahil kakain pa ako!” Inis na sambit nong baklang sobrang puti ng mukha na animo’y iningudngod sa harina.
“Pangalan.” Aniya habang mungunguya ng bubble gum.
“Mattea Velia Aguillar.”
“Kaano-ano mo si Freddie Aguillar?”
“Po?”
“Charing. Oh, ifill-up mo ‘yang form hija. Bilisan mo dahil ang dami niyo pa.” Aniya sabay abot sa akin nong papel.
Nasa bayan ako ngayon, nagbabakasaling makuha ko ang trabaho na inalok sa akin nong kakilala noon. Desperada na kasi akong magkapera ngayon kaya nilunok ko na lang yung pride ko.
“Nagpapasundot ka ba?” Napatingin ako sa bakla nang bigla itong magsalit habang nagsusulat ako.
“Ano po yung nagpapasundot?”
“Nagpapakama, ganon. Di mo ba alam ‘yon?” Napalunok ako bago umiling sa kanya.
“H-Hindi ho ako nagpapakama.”
“Ah, beergin ka pa pala?” Nahihiya akong tumango sa kanya atsaka mabilis na nagfill-up.
“Sayang ka bakla, sa hitsura at hubog ng katawan mo, daming pipila sa’yo rito.” Hindi ko maiwasang mailang sa pinagsasabi niya.
“Mattea?” Napalingon ako sa ibang direksyon nang may tumawag sa aking pangalan.
“Mattea anong ginagawa mo diyan? Halika na rito. Di mo na kailangang magfill-up diyan.” Bigla niyang kinuha ang aking kamay atsaka niya ibinigay ang papel at ballpen sa bakla na mukha manager ata nila rito o kung ano.
“Ako na bahala rito.” Nakangiting wika ni Gianna atsaka ako iginiya sa loob.
May ilang babaeng nakakasalubong namin na katulad ng suot ni Gianna. Ito ba yung uniform nila rito?
Bakit parang sobrang sagwa naman ata?
“Halika, kailangan mo nang magbihis dahil unti-unti ng dumarami ang mga customer natin. Double time tayo ngayon dahil Sabado,” wika niya nang makapasok kami sa isang malaking silid.
“I-Ito ba ang susuotin ko?” Tumango ito sa akin atsaka ako tinulungang tanggalin ang aking damit.
“Ito muna, sa ngayon. Kinulang na kasi ang uniform para sa mga waitress sa club na ‘to.”
“Hindi ka ba waitress dito Gianna?”
“Hindi, call girl ako rito.”
Tama ba ang dinig ko? Call girl si Gianna? Kung ganon…
“Oo, nagpapakama ako.” Nakangiti niyang wika sa akin. “Mas malaki kasi ang kikitain ko, depende sa magbibigay. Pero hindi bababa sa limang libo ang isa kong gabi rito.” Dagdag pa niya atsaka ako kinindatan.
Inayos niya ang aking suot na uniporme atsaka ako pinaharap sa kanya.
“Bagay sa’yo ang uniporme namin.” Komento niya habang nakatingin sa aking kabuoan.
“Uhm, Gianna? Paano kung may magtanong sakin tungkol sa pagpapakama? Eh suot-suot ko pa naman ang uniporme ninyo.”
“Tanggihan mo lang sila. Sabihin mong waitress ka lang dito.”
Tumango ako sa kanya atsaka ko tinignan ang aking sarili sa harap ng salamin, sobrang sagwa talaga ng uniporme.
Pero tulad ng sinabi ni Aling Susan sa akin kanina, kailangan kong lunokin ang pride ko para mabuhay.
“Tara! Goodluck satin ngayong gabi!” Nakangiti niyang saad bago kami sabay na naglakad palabas ng silid upang magtrabaho.
NAKAKALULA sa laki ang club na ‘to. Halos mga lalake ang nakikita ko rito sa loob. May may mga matatanda, sakto lang sa edad, at ilang binata.
Hindi ko na rin mabilang kung ilang lalake ang nagtatanong sa’kin kung nagpapakama ba ako ngunit tulad ng sinabi ni Gianna ay tinatanggihan ko sila.
May ilan naman na ngayon lang daw nila ako napansin kaya sinabi ko sa kanila na unang araw ko ngayon.
Hindi na talaga nawawala ang pasimpleng paghipo sa aking katawan kaya nilulunok ko na lang ‘yon sabay alis. Kesa ang mag-inarte ako sa harap ng nga customer.
Kapansin-pansin naman kadalasan sa kanila ay may kaya talaga.
“Table number 5! Oh ibigay mo ‘to sa isang mesa don banda.” Utos sa akin nong bartender atsaka ko kinuha ang isang tray.
Malakas ang music dito kaya kinailangan pa naming sumigaw para lang magkaintindihan.
Nang ilapag ko ang order sa table number 5, nakita kong isa grupo ito ng mga binata dahil sa kanilang mukha at tindig.
Apat na lalake ang nakaupo rito ngunit tatlo lang ang napatingin sa akin ng deretso. Yung isa ay abala sa paghithit ng kanyang sigarilyo habang nakatingin sa ibang direksyon.
“Is this our order?” Tanong nong isang lalake na may suot na kulay puting polo.
“Yes, sir.” Nakangiti kong wika sa kaniya bago niya ako tinignan mula ulo hanggang paa.
“Are you a call girl?” Umiling ako sa kanya bilang pagtugon.
“Waitress lang po ako.” Nanatili ang ngiti sa aking labi habang nakatingin sa kanya ng deretso.
“I see…” tumango-tango ito sa akin bago niya binuksan ang isang boteng beer.
“Thank you, miss.” Malagkit ang tingin niya sa akin bago ako ningitian.
Tinignan ko sila isa-isa bago tuluyang umalis ngunit mas nagtagal ang tingin ko sa isang lalakeng tahimik na naninigarilyo sa gilid.
Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa dilim.
UMAKYAT ako sa itaas ng club kung saan ko makikita ang ilang kwarto rito. May nag order kasi ng drinks sa room #2 at ako ang inutusan nila sa baba.
Kung ikukumpara sa baba, mas tahimik dito sa pangalawang palapag at tanging mga kwarto lang talaga ang narito.
Pabalik na sana ako sa baba nang may biglang kumuha sa magkabila kong braso.
“Andito ka lang pala, may balak ka pang takasan ang kliyente natin ha.”
A-Anong nangyayari?!