KINAUMAGAHAN ay paibis na sana siyang sasakay ng taxi nang may humila sakaniya. Nauna na si Giuseppe at Rocco sa opisina. Napakunot ang noo niya kung sino itong humihila sakaniya.
Paglingon ng babae ay nakita niya ang nakangiting si Brent.
"Hi, love," Hindi na ito nagsalita at mabilis na hinalikan siya sa labi. "Alam kong nagulat kita, pero gusto talaga kitang isurpresa,"
Imbis na tuwa, ay kakaibang takot at kaba ang naramdaman niya. Mabilis na tinulak niya ito sa dibdib at iginala ang mga mata.
Pero alam naman niyang kanina pa ito nasa opisina. Tinatakot lang niya ang sarili niya.
Ikipinagtaka naman ni Brent ang naginf reaksyon niya. "Bakit? Ano'ng nangyayari sayo?"
"Siyempre, baliw ka ba? Hinalikan mo ako bigla, baka makita ni Giuseppe. Nanigurado lang ako,"
Natawa ito. "Really? At kailan ka pa nagalala sa sasabihin ng asawa mo? Hindi ba't mas maganda ngang makita niya tayo sa ganitong sitwasyon para siya na mismo ang kumawala sa relasyon niyo?"
"You don't understand. Mahirap magalit si Giuseppe," sagot niya.
Mabilis pa sa alaskwatro na hinila niya na roon si Brent at tinungo ang nakaparking na kotse nito sa hindi kalayuan. Todo yuko pa ang ginawa niya dahil alam niyang kilala siya ng guard ng subdivision at si Giuseppe.
At sisiguraduhin ni Roxanne na ito na ang huli. Ibang klase magalit si Giuseppe. Hindi ito basta basta. Natitiyak niyang hindi niya magugustuhan ang mangyayari kay Brent kapag nahuli silang sinusundo siya nito at nagkikita ng palihim.
Natawa ito sa reaskyon niya. "Kulang nalang isipin kong natatakot ka makita niya tayo dahil ayaw mong magalit siya. Oh, nagseselos ako honey," sarkastikong sabi nito.
Nahinto sa ere ang pagbubukas niya ng pinto ng kotse nito. Sinamaan ito ng tingin.
Natawa ulit ito. "Ang hirap mo namang biruin, para ka nang si Giuseppe. O siya, halika na."
Inirapan niya na lang ang kasintahan at umibis na sila roon. Isang mahabang katahimikan ang namayani sakanila.
Maya-maya at hinaplos nito ang kamay niya. "Mahal na mahal kita, Roxanne. Sana matapos nang lahat ito..."
Napalunok Roxanne nang matindi.
~
SA MEDYO KALAYUANG kalye hinimpil ni Brent ang sasakyan nito. Hindi naman kasi pwedeng makita ng mga taga-opisina na magkasama sila at tiyak uulanin sila ng chismis at ng tanong.
Nakakatawa lang na sila naman talaga ang magnobyo, pero parang naging kabit niya pa ito at ngayon ay kumukuha sila ng hiram na sandali.
Akmang bababa na siya ng sasakyan ng hawakan ni Brent ang pulsuhan niya. Nagtatakang napalingon siya rito.
Ngumuso ito. Ikinakunot niya iyon ng noo at hindi nagets. Napasimangot ang binata. "Ang sabi ko, halikan mo ako."
Natawa siya sa itsura nito at sa naging reaksyon nito. Para itong bata na naagawan ng candy at hindi napagbigyan.
At dahil ayaw naman niyang magtampo ito sakaniya at sa effort nitong magkaroon sila ng kaunting sandali, mabilis na lumapit siya sa mukha nito at hinalikan ang labi ng kasintahan.
Sinagot naman iyon ng binata, at hanggang sa lumalim na ang halik nito. Napapikit si Roxanne at aaminin niyang nadadarang na siya sa klase ng halik sakaniya ni Brent.
Oh God, sobra-sobra niya itong namiss.
Bago pa dumako ang kamay nito patungo sa dibdib niya ay may malakas na bumusina sa likuran nila kahit naka-zoning naman sila.
Nagulat at nabitawan siya ni Brent. "At sino ba 'yang nang bubusina na 'yan! Aba, nasa tamang pwesto naman ang sasakyan ah," angil ni Brent at tinignan pa sa side view mirror kung sino ang pesteng istorbo.
Gustong pagtawanan ni Roxanne ang itsura ngayon ng lalaki. Kaya naman tinignan na rin niya ang sasakyang nasa likod nila.
Awtomatikong nawala ang ngiti sa labi niya nang mapagsino ang kotse.
Kotse iyon ni Giuseppe!
Parang lalabas na sa katawan niya ang puso niya sa lakas ng t***k n'yon.
Napalunok siya. "B-Brent... that's... Giuseppe," kinakabahang sabi niya.
Natigalgal din ang binata. Parang nag-isa ngayon ang mga nararamdaman nila. "Bababa na ako, h-huwag kang lumabas kahit anong mangyari. Tiyak na hindi maganda ang magagawa niya sayo...!"
Hinawakan niya ang pintuan at lumabas. "Wait! Don't tell me haharapin mo siya? You can't just go around all by yourself! Kilala mo ang asawa mo!" Malakas na sigaw nito na para bang isang kahibangan ang gagawin niya. Napalunok siya ng matindi. Wala silang choice.
Matapang na hinarap niya si Brent. "A-Alam kong hindi ako magagawang saktan ni Giuseppe. Pero ikaw, oo. Kaya naman please, sundin mo ako. Huwag na huwag kang aalis dito hanggat hindi pa kami nakakaalis!" mabilis na isinara niya ang pinto ng kotse ni Brent at umibis ng kalsada. Natatakot man sa maaring mangyari, but they just can't stay there forever in the car. Kailangan at kailangan niyang lumabas at harapin ito. Kilala niya si Giuseppe. Kung mananatili siya roon, ito naman ang gagawa ng paraan para mapalabas siya. Worst, magkasakitan pa ang dalawa.
"Damn!" napasigaw nalang si Brent sa labis na frustration.
Mabilis ang mga lakad ni Roxanne. Hindi niya kayang tignan ang kotse ni Giuseppe. Parang hinahabol siya ng sampung kabayo sa bilis ng lakad niya ngayon.
Pero kahit yata talaga kailan ay hindi niya matatalo si Giuseppe. Dahil mabilis din itong bumaba ng kotse nito at parang isang sakong bigas lang siyang binuhat. Binalik siya nito, and this time, isinakay na sa kotse nito.
Abot-abot ang kaba niya at takot. Iba ang ibinabadya ng mukha ngayon ng asawa.
Napalunok siya ng paandarin nito ang kotse ng walang salita at emosyon. "M-May opisina pa tayo..." paalala niya.
Hindi man lang itong nagabala na tignan siya. Bagkus, ay pagkadismaya at disguse ang nakikita niya sa mukha nito. Wala sa sariling napatingin siya sa mukha ng lalaki at kinakunot ng noo niya ang nakitang mga galos nito sa mukha at pasa.
Saan nito nakuha 'yon?
"Sabihin mo kay Rocco na siya muna ngayon ang bahala sa opisina. Mawawala tayo," flat na sabi nito.
Napasinghap siya. "M-Mawawala tayo...? Ano'ng ibig mong sabihin?" kinakabahang tanong niya.
His expression darkened while looking at her eyes. "Sinisingil at kukunin ko na ang talagang akin. At hinding hindi ka na makakawala roon," malaman nitong sabi at muling ibinalik ang tingin sa kalsada.