MADILIM ANG mga mukhang hinawakan ni Giuseppe ang asawa. Tinitigan ito ng mariin, iyong tipong mata pa lang pero parang mamamatay na ito.
Nanginig naman si Roxanne sa takot na ibinabadya ng mukha ng asawa. Naputol ang paghalik nito sakaniya at wala na siyang magawa kundi mapalunok sa takoy.
Hindi niya sinasadyang banggitin ang pangalan ng nobyo. Kahit naman galit siya kay Giuseppe ay alam niyang nakakasakit iyon sa ego ng mga lalaki. Wala talaga siyang balak pasakitan ito. Kusang namutawi iyon sa labi niya.
Frustrated na napahawak si Giuseppe sa batok na para bang nababaliw na ito. Lakad-manaog ito at kaunti na lang ay mahihilo na siya.
"Talagang tinawag mo pa ang pangalan ng kabit mo habang hinahalikan ka ng asawa mo. Ano, siya ba ang iniisip mong humahalik sa'yo?" Bagama't mahina ang boses nito naroroon ang matinding gigil at galit sakaniya.
Walang masabi si Roxanne at ang tanging gusto niya lang gawin ngayon ay tumakbo. Palayo rito. Kung saan hindi siya nito makikita. Kung saan siya nito hindi mahahawakan.
Nang hindi siya sumagot ay nagpatuloy ang binata. "Aso ka ba? Sunod ka ng sunod sa hayop na lalaking 'yan! Ano, Roxanne? Baliw na baliw ka sa lalaking 'yan ah!"
Nakagat niya ang ibabang-labi at hindi makapagsalita. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. For sure, hindi naman ito maniniwala sakaniya na talagang hindi naman niya sinasadya ang pagkabanggit ng pangalan ni Brent. Hindi ito makikinig sa anumang paliwanag niya.
Tinignan siya ng matiim ng asawa. "Napakarami mo nang utang saakin, Mrs. Rosselli. Ang mga nakaw na tinginan niyo ni Brent... ang mga halikan niyo sa fire exit ng opisina ko... ang lihim na pagkikita niyo... alam mo bang labag sa batas at kasalanan sa mata ng tao at Diyos 'yang mga pinaggagagawa mo sa buhay?" Halos lumabas na ang mga mata nito sa galit.
"f**k, Roxanne! Kailan ka ba magiging maayos at matinong asawa? Ilang taon na tayong nagsasama pero kahit kailan hindi mo binibigyan ng chance ang pagsasama natin!" Malat ang boses na sabi nito.
Napalunok siya at nag-init ang mga paligid ng mata. Bakit parang kasalanan niya pa? Sino bang namilit na magpakasal? Sino ba ang nagbabanta ng buhay ng may buhay? Hindi ba't ito? Ginulo nito ang masaya at payapa niyang buhay! Ang nangyari sakanila noon ay hanggang doon na lang. Hindi ibig sabihin na ito ang lalaking unang nakakuha sa katawan niya ay may karapatan na itong panghimasukan at sirain ang buhay niya. Pero ewan niya ba sa lalaking ito, parang nabuhay pa yata sa panahon ng mga ninuno nila. Akala yata nito ay may malaking pananagutan ito sakaniya kahit wala naman silang naging anak. Atsaka, bakit siya pa? For sure, hindi lang naman siya ang unang babaeng nakuha nitong birhen! So, what's the fuss? Hindi niya maintindihan!
"Ano bang gusto mong mangyari? Ano ba ang kailangan kong gawin para maging masaya ka?" naghihinanaki na tanong ni Giuseppe sa asawa.
Matapang naFo hinarap ito ni Roxanne. Tinitigan sa mga mata. "Ano ang kailangan mong gawin para maging masaya ako? Palayain mo ako sa impyernong pagsasama na ito. Mapapasaya mo ako,"
Nagiwas ito ng tingin sakaniya. "Hindi mo alam kung ano ang hinihingi mo saakin,"
Nainis siya. "Oh ngayon hindi mo maibigay, nagtanong-tanong ka pa!" nagdadabog na sabi niya.
"Roxanne..."
"Palayain na natin ang isa't-isa sa pagsasama na ito, Giuseppe! Wala tayong pagmamahalan! Alam mo namang si Brent ang mahal ko, at tanging mamahalin ko lang. Nasisiguro ko rin namang wala kang pag-ibig saakin," diretsong aniya.
"At gaano ka kasigurado na wala akong pagmamahal sayo?" kunot-noong tanong nito.
Naumid ang dila niya at hindi malaman kung ano ang isasagot. "I... I just know. Bakit ka magkakaroon ng pag-ibig saakin? Wala naman tayong naging connection maliban sa ibinenta ko sayo ang sarili ko noon..."
Mapaklang natawa ito. "Iyan ang mahirap sayo, mahilig ka mag-conclude agad ng mga bagay bagay. Ni hindi mo nga alam kung ano ang nasa isip ko at damdamin eh," tila napakalungkot ng boses nito ngayon.
At ikinainis niya 'yon. Bakit kung umarte ito parang ito pa ang agrabyado? "Hindi ko na kailangan alamin pa ang nasa isip at damdamin mo! Dahil 'yung nagmakaawa ako sa'yo noon na huwag tayong magpakasal hindi ka nakinig saakin! Wala kang pakialam sa nararamdaman ko noon!" panunumbat niya.
"Sapat na bang mga rason 'yang sinasabi mo para mag-loko ka? Para magkaroon ka ng kabit?" he reprimanded.
Alam niya namang kasalanan iyon sa batas ng tao at sa mata ng Diyos. Pero hindi ganoon kadali ang sitwasyon niya. Sinumang babae ang malagay sa sitwasyon niya ay kapo-pootan si Giuseppe. "Huh, sa tingin mo ba kung hindi ka lang makapangyarihan, kung hindi mo lang ako ginipit at si Rocco... kung hindi mo lang dinamay si Brent, magpapakasal ako sayo? Hindi, Giuseppe! Hindi! Nagpakasal lang ako sa'yo dahil sa pamilya ko at kay Brent!" malakas na sigaw niya rito.
Hinihingal siya sa labis na emosyon. "Ako manloloko, ikaw naman walang pakialam sa sanctity ng marriage. Parehas lang tayo, Giuseppe. Dahil kung may pagpapahalaga ka talaga sa kasal, hindi mo ako papakasalan! Hindi mo ituturing na isang kalokohan ito! Nagpapakasal ang dalawang tao dahil sa mahal nila ag isa't-isa at hindi dahil trip trip lang!"
Walang emosyong tinignan siya ni Giuseppe. "Tinutukoy mo ang sarili mo, Roxanne. Ikaw itong walang pagpapahalaga sa salitang kasal,"
She gritted her teeth. "Bakit kasi hindi mo pa ako hiwalayan! Para naman maging masaya na tayo parehas!"
"Wala ka na roon. Isa pa, bakit parang ikaw pa ang galit na galit? Hindi ba't dapat ako? Kahit pinilit lang kita sa pagpapakasal saakin, hindi mo ako dapat niloloko," matiim na sabi nito.
Hindi makapaniwalang tinignan niya ito. "Huh! Marriage counselor ka na ba ngayon?" pilosopong tanong niya.
"Nagsasayang ka lang ng laway mo Roxanne, kahit anong gawin at sabihin mo, kahit lumuha ka pa ng crystal d'yan, hinding hindi ako makikipaghiwalay sa'yo. There is no way na papayagan kita maging maligaya kay Brent. Akin ka lang, Roxanne. Akin. At ang akin ay inaalagaan ko at hindi ko pinapamigay," madiing sabi nito at iniwan siya.