NAGULAT PA si Roxanne nang halikan siya nito ng marubdob ngunit agad ding tinapos ang halik. Naiwan siyang nalilito. Dumako ang kamay nito sa blusa niya at inayos 'yon. "Goodnight, Roxanne." Napuno ng pagtataka ang babae. Iginaya pa siya nito palabas ng library at hinatid sakanyang kwarto. "It's already late, you need to sleep. Para hindi ka magkaroon ng dark circles," anito. Hindi makapaniwalang tinignan ito ni Roxanne. Dahil parang naging tuod na siya doon at hindi makagalaw, natatawang pinagbuksan siya nito ng pintuan. Narinig niya ang swabeng tawa ni Giuseppe na ngayon niya lang yata narinig sa tanang ng buhay niya. "Mas lamang ako sa lahat ng aspeto sa lalaki mo, Roxanne. Aminin mo man o hindi, alam ko 'yon, so why settle for less when you can have the best?" tumalikod na ito at