KABANATA 1
HINDI ko mapigilan ang mapapikit at malakas na bumuga ng hangin dahil sa inis nang maisuot ko na ang dress. Napakaluwag, kailangan pang hawakan para hindi malaglag.
“Hays, paano ko naman ’to masusuot kung kailangan pang hawakan?” nakasimangot kong reklamo nang mag-isa habang nakatingin sa sarili ko sa salamin.
“Hazel, hindi ka pa ba tapos? Tara na! Malapit nang magsimula ang kasal!” pagtawag sa akin ni Greta mula sa labas.
Napabuga na lang ako ng hangin dahil sa inis sa dress. “Pumasok ka muna rito saglit, Gret! Help me fix this dress! Sobrang luwag, nakakainis na!” sagot ko.
Bumukas naman ang pinto at pumasok na si Greta. Tulad ko ay napasimangot din ito nang makita ang dress na maluwag sa katawan ko, hindi lang sa bandang dibdib kundi pati sa baywang ay sobrang luwag.
“Hays, ba’t mo naman kasi inasa lang kay Sir Charles ang pagbili ng dress? Ayan tuloy palpak!” simangot na ni Greta.
Napairap naman ako. “Alam mo naman masyado akong busy nitong mga nakaraang araw dahil sa training, kaya hindi ako makaalis muna sa kabilang Isla. Basta ipitin mo na lang sa bandang likod gamit ang pang-ipit ng sampayan. Marami sa labas, kumuha ka muna roon.”
Greta laughed. “Seriously? Ipit talaga ng sampayan? Ang pangit naman.”
“So what? Tayo tayo lang naman dito sa Isla, kanino naman ako mahihiya? Sa inyo?” I chuckled.
“Sabagay, may point ka. Hays. Ba’t ba parang wala kang pakialam sa ganda mo? Oh siya sige, kukuha lang ako ng ipit sa labas.”
Mabilis nang lumabas muli si Greta sa kuwarto. Pagbalik nito ay may dala nang dalawang ipit ng sampayan at agad na inipit ang dress ko mula sa likod, sa bandang baywang at dibdib para kumapit sa katawan ko at hindi na malaglag pa.
“Hays, sayang talaga si Boss. Bet na bet ko pa naman. Ang tagal kong pinagsilbihan tapos ikakasal lang pala sa ibang babae,” nakasimangot na reklamo pa ni Greta habang inaayos ang dress ko.
Bahagya naman akong natawa. “Oh, huwag mo sabihing pinagsilbihan mo lang si Boss nang tapat dahil may gusto ka sa kaniya?”
“Yes, parang gano’n na nga. Alam mo bang one hundred percent ang paghanga ko kay Boss? Napaka-perfect niya kasi at sobrang cool lalo na kapag napapanood ko siyang nakikipaglaro sa RG. Palagi siyang nakangisi sa gitna ng kaniyang pakikipaglaban. At kapag mainit naman ang ulo niya ay sobrang nakakatakot. Pero napaka-cool niya pa rin tingnan.”
Napailing na lang ako. Ibang klase rin talaga itong si Greta. Hindi ko alam na may gusto pala sa boss namin.
Matapos ayusin ang dress ko ay lumabas na kami ni Greta ng mansyon. Nasa labas na rin ang mga kasamahan namin suot ang kanilang pormal na kasuotan. Naka-red dress kaming lahat na babae, at naka-black suit naman lahat ng mga lalaki.
Mula sa pinto ng mansyon ay nakahilira ang red carpet hanggang sa dalampasigan ng isla kung saan humahampas na ang maliliit na alon sa puting buhangin, at doon naman nakatayo sa pinakadulo ang isang nasa mid-40s na pari. May nakatayong kahoy sa pinakadulo, para siyang malaking pinto at napapaligiran ng puti at mga pulang bulaklak.
Pasado alas singko na rin kaya hindi na mainit ang araw dahil sunset na lang na papalubog na.
“Umayos na kayo sa inyong puwesto, papalabas na sina Boss!” maawtoridad na utos sa amin ni Sir Charles.
Dali-dali naman kaming pumuwesto maayos malapit sa dalampasigan. Sa kabila nakatayo kaming mga babae, at nasa kabila naman silang mga lalaki; bale magkaharap kami, at ang pagitan ay red carpet kung saan dadaan ang aming ikakasal na boss.
“Tingin niyo, makikita na kaya natin si Boss ngumiti sa atin sa unang pagkakataon?” excited na tanong ni Jonard habang inaayos pa ang pagkaka-necktie ng suot nitong suit.
“Ano ka ba, asa ka pa. Alam mo naman na mahal ang ngiti ni Boss. Never nga niya tayo nginitian kahit ilang misyon na ang ating napagtagumpayan, palagi pa rin blanko ang ekspresyon niya sa atin. Pero tingnan mo naman sa babaeng pakakasalan niya, palagi na lang siya nakangiti na parang kulang na lang mapupunit ang bibig,” sagot naman ni Ben.
“Iba kasi talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Pero masaya ako para kay Boss. Sa wakas magkakaroon na siya ng tagapagmana, kasi halata naman na buntis ang babae,” ngiti namang sabat ni Jeg.
“Tumigil na kayo sa inyong chismisan at baka marinig pa kayo ni boss!” maawtoridad na saway sa kanila ni Sir Charles.
Natahimik naman kaming lahat at itinikom na lang ang aming mga bibig.
A few moments later, we finally saw our boss coming out of the mansion with his bride wearing a wedding gown. And they both walked on the red carpet while the bride's arm was wrapped around his arm.
Nakatingin lang kaming lahat sa kanila. Halatang-halata ang excitement sa aming mga mukha dahil sa wakas ay ikakasal na ang boss namin na siyang lubos naming hindi inaasahan. Boss L.A. ang tawag namin sa kaniya, at kilala naman siya ng iba sa tawag na Mr. L.A.
Iilan lang naman kaming imbitadong mga tauhan sa kasal, kami lang na pinagkakatiwalaan ni boss. Hindi kasi nito pinapakita ang kaniyang mukha sa kaniyang ibang mga tauhan, dahil tuwing haharap sa lahat ay nakasuot lagi ng maskara. At masuwerte ako dahil napabilang na ako sa mga pinagkakatiwalaan, at iyon ay dahil si Sir Charles ang nagpasok sa akin sa grupo. Si Sir Charles lang naman ang kanang kamay ni Boss L.A.
“Oh mahabaging langit, ang sarap talaga ikulong ni Boss sa loob ng panty. Grabe, nakakainis ang kaguwapohan niya. Tapos mapupunta lang pala siya sa iba. Sana akin na lang,” usal ni Greta sa tabi ko na parang kinikilig pero may halong simangot.
Napangisi naman ako. “Just move on na lang kasi, kita mo naman sa mga mata ni Boss ang saya. Tingnan mo, kunwari seryoso ang mukha, pero nakangiti naman ang mga mata.”
Napaismid na lang si Greta sa sagot ko, ngunit halatang-halata pa rin ang panghihinayang sa nakabusangot na mukha. “Pero tingin ko, kaya niya papakasalan ang babaeng ’yan ay dahil nabuntis niya lang. Baka hindi naman talaga niya mahal.”
Napailing na lang ako. Halata naman sa mukha ng boss namin na inlove na inlove ito dahil kahit hindi nakangiti ay halata pa rin ang saya sa guwapong mukha habang kasalukuyan nang naglalakad sa red carpet kasama ang kaniyang napakagandang bride.
“Tingnan niyo si Boss, kinikilig at nagba-blush. Ngayon ko lang nakitang ganiyan ’yan,” pagbungisngis pa ni Jeg.
Lahat kami ay nakatutok ang tingin sa boss namin at sa bride nito. Hindi na nga nakapagtataka kung bakit na-inlove ang boss namin sa babae dahil napakaganda nga naman nito; matangos ang ilong na medyo maliit lang, gano’n din ang labi nito, medyo maliit pero katamtaman lang ang kapal at napaka-cute tingnan dahil sa hubog nito na parang puso; may konting kakapalan naman ang kilay nito na medyo mahaba, ang kulay ng mga mata ay hazel, at matalas tumingin—parang si Boss lang. Pero hindi naman ito matangkad dahil hanggang kili-kili lang nito ni Boss. Maganda lang talaga, head-turner kumbaga, ’yong tipong kapag napadaan sa tabi mo ay mapapalingon ka na lang talaga.
“Congratulations, Boss!”
Malakas na kaming pumalpak nang matapos na ang seremonya ng kasal at hinalikan na ni Boss ang asawa nito.
Ang inis na si Greta kanina ay kilig na kilig na ngayon dahil siniko pa ako nito habang nakangiti na. Siyempre ako rin, nakangiti na habang pumapalakpak, masaya rin ako para sa aming boss.
“Charles, ikaw muna ang bahala rito sa Isla. Magsaya kayo ngayong gabi hangga’t gusto ninyo, kahit ubusin niyo pa ang paborito kong alak, go ahead I don’t mind,” bilin ni Boss bago kami nito iniwan sa Isla.
Tuwang-tuwa naman kaming lahat. Kaya naman nang sumapit ang gabi ay nasa labas na kaming lahat ng mansyon at nag-inuman nga, ininom namin ang mga mamahaling alak ni Boss.
Nasa fifteen lang ang dami namin, at kanya-kanya kaming upo sa buhangin; katabi ko si Greta dahil ito lang ang ka-close ko sa kanila, ang iba kasi ay ngayon ko lang nakita. Si Sir Charles naman ay nasa kabila nakaupo kasama ng mga lalaking kasamahan namin.
“Hulaan mo kung magkano itong isang bote ng wine na 'to,” wika sa akin ni Greta.
Bawat isa sa amin ay may isang bote ng mamahaling wine.
“Sampung libo?” hula ko.
Greta shook her head. “No.”
“Dalawampung libo?”
Greta laughed. “Ang baba naman ng hula mo. Eight million 'to, 'no!”
My eyes widened. “Huh? Eight million? Are you serious?”
Agad na tumango si Greta. “Oo, kahit itanong mo pa kay Sir Charles. Pero itong akin ang eight million, 'yang sa 'yo ay five million lang 'yan.”
Napaawang na lang ang labi ko at napatingin sa hawak kong wine bottle. Sobrang mahal pala. Eight million and five million talaga? Tapos isang gabi lang namin iinomin? Tila hindi ako makapaniwala.
“Ang suwerte pala natin kung gano'n?” nasambit ko na lang.
And Greta chuckled. “Yeah. Grabe si boss, ibang klase ma-inlove,” pag-iling-iling nito at malalim na napabuntong hininga. “Hays… Uminom na nga lang tayo, medyo broken ako ngayon kasi married na si Boss.”
Napangiti na lang ako at napailing bago muling tumungga ang wine. Sayang naman kung hindi ko iinumin, ngayon lang naman 'to. Ano ngayon kung sobrang mahal, eh regalo naman 'to sa amin ni boss dahil kasal niya. Suwerte ko na dahil ngayon lang ako makakatikim ng ganito kamahal na alak.
Medyo matamis ang lasa ng wine na maanghang ng konti, at may konting pakla, parang nanunot sa lalamunan kapag ininom, pero napakasarap ng lasa habang tumatagal. Parang nakakaadik na inomin.
“Hazel.”
Napalingon ako nang may tumawag sa pangalan ko. Si Sir Charles.
“Yes, sir?”
“Matapang ang wine na 'yan, mararamdaman mo kinabukasan na. So easy lang sa pag-inom, baka hindi ka makabangon bukas.”
Tumango ako. “I understand, sir.”
Tumayo naman si Sir Charles. Ito lang yata ang hindi uminom dahil wala akong nakitang bote ng wine na hawak nito.
“Sumunod ka sa akin sa kuwarto ko kapag tapos ka na, may sasabihin ako sa 'yo,” wika ka nito sa akin bago naglakad na paalis, pumasok na sa mansyon.
Siniko naman ako ni Greta. “Hoy, umamin ka nga, may relasyon kayo ni Sir Charles, 'no? Aminin mo.”
Natawa naman ako. “Ikaw talaga. Syempre wala!”
Pero mapanukso lang ako nito nginisian na parang may tama na ng ininom. “Sus, bakit parang meron? Baka naman girlfriend ka niya talaga, hindi niyo lang maamin kasi ayaw ninyong malaman ni boss.”
“Tumigil-tigil ka nga! Kung ano-anu na lang ang iniisip mo. Baka mamaya marinig ka pa nu'n mapagalitan ka pa. Alam mo naman 'yun na parang si Boss L.A. din!” sita ko kay Greta na pinanlakihan pa ito ng mata kahit may kadiliman dahil gabi at hindi na kami sakop ng ilaw. Pero maliwanag naman ang buwan.
Napabungisngis lang si Greta. Tutuksuhin pa sana ako, pero mabuti na lang ay may mabilis na naupo sa tabi nito, si Jeg.
“Greta my love, tabi tayo mamaya matulog,” aya nito at agad na umakbay sa balikat. Pero mabilis din iyon inalis ni Greta.
“Oo puwede naman. Basta ba pumayag ka magpabugbog muna sa akin.”
“Saan? Sa kama? Sure, why not.”
“Bastos kang malandi ka. Lumayo-layo ka nga sa akin at baka maipukpok ko pa sa ulo mo itong bote ng wine!”
“Sige, subukan mo. Hahalikan kita,” Jeg warned her.
Napailing na lang ako at muli nang tumunga ng inom. Sanay na rin ako sa kanilang dalawa. Si Jeg ay halatang may gusto sa kanya, pero itong si Greta ay parang pakipot pa, palibhasa si Boss ang gusto.
Uminom na lang ako at hinayaan silang dalawa magharutan sa tabi ko.
Napatanaw na lang ako sa madilim na karagatan at napangiti.
Napakasarap sa pakiramdam. Nakaka-relax ang hangin kapag ganito gabi. Ang lamig.
Lubos talaga akong nagpapasalamat kay Sir Charles dahil niligtas niya ako at tinulungan makabangon. Tinuruan niya ako sa lahat ng mga dapat kong matutunan sa pakikipaglaban. Sa loob ng limang taon ay wala akong ibang ginawa kundi ang mag-training sa lahat ng mga dapat kong matutunan para mapabilang sa kanilang grupo. Natuto akong bumaril, sa martial arts, sword, at iba pa. Nakasama na rin ako sa mga misyon ni Sir Charles. And yes, I already killed an opponent when I participated in the Ruthless Game.
“May fight pala next week sa RG. Manood tayo, ilibre niyo ako ng ticket. Ang balita ko ay babalik na raw sa laro ang Hellish Men!”
Napahinto ako sa pagtungga ng wine sa bibig ko at napalingon sa mga lalaking kasamahan ko.
“Talaga? Babalik na ang grupong 'yun?” tanong ni Art na parang biglang na-excite nang marinig ang balita ni Arnold.
“Yes, 'yun ang alam ko. I saw the name of their group in the list of fighters.”
“Manood tayo. Sasama ako sa inyo!” sabat ko.
Napalingon na silang tatlo sa ako at parang nabigla. Pero kalaunan ay ngumisi rin.
“Sali tayo sa laro?” aya agad sa akin ni Ben.
Napangisi na rin ako at tumungga muna ng wine bago tumayo. “Sure. Magpapaalam ako kay Sir Charles. Siguradong papayag 'yun at ibibili ako agad ng ticket.”
“Woah! Okay, good! I'm excited to be your partner again in the game!” Ben said to me excitedly.
“The more, the merrier! I will also come so that you have a supporter. The show will definitely be good next week, because according to rumours, possible raw na isabak sa laro 'yung isa sa mga most dangerous prisoner, at ilalagay sa auction pagkatapos. Oh, if only Boss wasn't busy on his honeymoon, he would definitely watch or maybe even join in!” sabat ni Ejay.
Napangisi na lang ako at napagdesisyonan nang pumasok ng mansyon para puntahan si Sir Charles.
“Hellish men, huh? Well, let's see. I've been waiting for that group to return to the game for a long time,” I said as I grinned.
Kumuyom na ang kamao ko.
Nasisiguro kong magbabayad sa akin ang mga hayop na 'yun. Dudurugin ko sila isa-isa… ibabalik ko sa kanila kung anong ginawa nila sa akin dati. Ipapalasap ko na sa kanila kung ano ang tinatawag na empyerno.
Maghintay lang sila, at makikita nila ang hinahanap nila. Oras na para gumanti sa kanilang lahat.