"Hindi ba't maganda nga 'yon?" Naguguluhan ang dalawang madre na kaharap ni Blessy dahil sa mga bagay na naisiwalat niya. Nakakunot noo si sister Teresa habang nakakrus ang braso nito. Samantalang nakataas kilay naman si sister Merlita sa kaniya. Nahihirapan naman ang batang madre na ipaliwanag sa mga ito ang gusto niyang sabihin. Pakiramdam niya kasi ay posibleng mapagalitan siya kung sasabihin niyang ayaw niyang makasama sa trabaho si padre Bonifacio. "Mas matututo ka nga kapag kasama ang pari," dagdag ni sister Merlita. Alam na rin ng dalawang madre na bukas na ang umpisa ng pagtulong niya kay Padre Bonifacio. Siya lamang ang aalalay rito, gayundin ang kasamang sakristan nito. Mabilis kasi na ipinagbawal ni mother superior ang magpatulong siya sa ibang madre, upang mabilis raw siya