"Baka nabibigatan ka na sa dalahin mo, Blessy." Nasa boses ng matanda ang pagaalala sa kasamang madre.
"Kaya naman po, tatang." Nakangiting tugon nito.
Ngayon ang araw ng sundo nila Blessy sa padarating na pari mula sa Maynila. Si Father Bonifacio Aguinaldo ay isang bagong pari na naordained nitong kamakailan lang. Siya ang panandaliang magdadaos ng misa sa ampunan upang mapalapit pa ng husto ang mga bata sa Diyos.
Dahil maaga pa bago ang pagsundo nila sa pari ay pinadaan muna ni mother superior sina Blessy at Mang Kanor sa pamilihan upang bumili ng mga pangangailangan sa loob ng ampunan.
"Sister, bilhin mo na itong pechay ko na murang mura." Alok ng babae habang itinutulak ang paninda sa harapan ni Blessy.
Kukuhain niya na sana ang inaalok na paninda pero may biglang pumagitna sa kanilang babae at itinulak ang kamay ng unang tindera.
"Ay nako! Wag ka diyan bumili, Sister. Mapanghe ang pechay niyan! Dito ka na sakin bumili. Fresh na fresh ang pechay ko." Intrada naman ng isa pang tindera.
"Ano?! Ikaw ang mapanghe!" Inis na sagot ng unang tindera habang akmang babatuhin ng pechay ang kasamang tindera.
"Hoy! Mahiya ka naman. Ikaw ang mapanghe at ubod ng libog! Hindi ba't nakita ko kayo ng asawa ko doon sa kubeta at gumagawa ng kahayupan?!"
Natulala naman si Blessy sa narinig. Pakiramdam niya ay siya ang nahihiya para sa mga ito. Hindi kasi tamang marinig o makita ng ibang tao ang pribadong ginagawa ng magasawa-- lalo na kung hindi ikaw ang tunay na asawa.
"Mas masarap kasi ang pechay ko kaysa sa GURANG na pechay mo!" Nakangising saad ng babaeng may mapulang labi.
Hindi naman na makasabay si Blessy sa kung anong pinaguusapan nila. Nalilito siya dahil parehas namang mukhang sariwa ang nilalakong pechay ng mga ito. Ngunit sa nakikita niyang pagtatalo ng dalawa ay higit pa sa 'pechay' na nilalako ang 'pechay' na tinutukoy ng mga ito.
"Mga ate, hindi po dapat tayo nagtatalo dahil ang utos sa atin ng Diyos ay magmahalan." Pagaawat ng dalagang madre sa dalawang tindera na halos maghampasan na.
"Marami pa namang utos ang Diyos, sister. Yung ibang utos nalang ang susundin ko kaysa ang mahalin ang impakta na 'yan!" sigaw ng mas may edad na tindera at umalis sa harapan niya.
Galit na galit naman ang itsura ng isa pang tindera na may mapulang labi. "Mas mahirap kang mahalin dahil isa kang gurang!" Inihagis pa nito ang pechay sa likod ng papalayong babae ngunit hindi naman umabot ang ibinato nito.
Magsasalita pa sana si Blessy para pagsabihan ang mas batang tindera dahil mali na ang inaasal nito, pero hinila na siya ni manong Kanor paalis sa tindahan ng gulay.
"Bakit po tatang Kanor?" Kunot noong tanong niya sa matanda.
Nakita niya ang lalim ng paghugot nito ng hininga bago siya hinawakan sa braso. "Alam mo anak, hindi lahat ng tao ay may busilak na puso gaya ng inaasahan mo."
"Po?" tanong niyang muli sapagkat nalilito ang isipan niya sa parabola ng matanda.
"Ang ibig kong sabihin ay ang nangyare kanina. Kahit pa alam ng tao na may Diyos, hinahayaan pa rin ng mga ito ang kanilang sarili na gumawa ng hindi tama."
"Kaya nga po kailangan nilang pangaralan."
"Anak, hindi lahat ng tao ay tumatanggap ng pangaral. Hindi lahat ay bukas ang isipan sa salita ng Panginoon."
Napaisip naman sa batang madre na tama ang sinasabi ni Mang Kanor. Natatandaan niyang nakasaad sa bibliya na hindi maaaring maghagis ng perlas sa mga baboy. Hindi lahat ng tao ay tulad ng matabang lupa ang puso na maaaring taniman. Ang iba ay dawagan ang puso, samantalang ang iba naman ay batuhan. Maaaring bata pa nga siya talaga sa pagiging madre kahit lumaki siyang madre ang kumakalinga sa kanila. Bagamat marami na siyang kabisado na bersikulo sa biblia ay hindi pa rin sapat ang mga nalalaman niya.
"Tama po kayo, tatang. Hayaan niyo po at isasama ko nalang po sila sa aking panalangin." Nakangiting saad ni Blessy at gumanti naman ng ngiti ang matanda.
"Bueno, may mga kulang pa tayong karne na pinapabili ni mother superior. Halika na at baka mahuli pa tayo."
Masayang sumangayon naman si Blessy sa suhestiyon ng matanda. Naglakad sila papuntang bilihan ng karne. Maingay talaga sa loob ng palengke dahil maya't maya'y may nagsisigawan. Ang iba ay nagaalok ng paninda samantalang ang iba naman ay humihingi ng diskwento sa mga nagtitinda. Halos lahat ng tindero at ibang mamimili na nadaraanan nila ay nakangiting bumabati sa kaniya.
"Magkano po sa tenderloin?" Tanong ni mang kanor.
"Four hundred seventy ang kilo pero four hundred nalang para sa inyo kasi kasama niyo si sister." Sagot naman ng tindero ng baboy.
"Aba'y ayos." Nakangiting bumaling sa kaniya si Mang Kanor, "Kuhain na ba natin 'to?"
"Opo?"
Paano ba nalalaman kung sariwa yung baboy? Tanong ni Blessy sa isipan. Lumaki siya sa loob ng bahay ampunan pero kahit minsan ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na aralin ang mga sariwang karne. Hindi niya rin alam kung mahal o mura ang presyo na ibinibigay ng mga nagtitinda. Kamakailan lang bago siya magpasa ng aplikasiyon sa pagka-madre ay sinasama na siya nila Manang Lucing at Manang Biring para may makatulong ang mga ito sa pagbubuhat ng bilihin. Pero hindi naman niya napapansin kung anong pinagkaiba ng mga presyo at itsura ng mga produkto sa pamilihan.
Nang matapos silang bumili ng mga karneng kakailanganin, lumabas na sila sa palengke para sunduin ang padre na mula sa Maynila. Sa kanilang byahe ay napapasisip si Blessy sa 'pechay' na sinasabi ng mga tindera kanina. Ano kayang pechay yun? Naisip niyang itanong kay mang Kanor ang tungkol dito pero mas maganda sigurong itanong nalang iyon kay sister Merlita o sister Nimfa.
"Sister, dadaan muna tayo sa gasoline station at magccr lang ako."
Tumango naman siya at nakita niyang lumiko ang sasakyan papuntang gasoline station. Paglabas ni mang Kanor ay dali itong pumunta sa comfort room. Naisipan niyang pumikit nalang dahil may kalayuan din ang papuntang terminal na bababaan ng bisitang padre.
Nang sumandal siya sa upuan ay may naririnig siyang mga lalaking nagkukwentuhan. Wala naman sa isip niya sana na makinig sa mga ito ngunit may nakakuha ng atensiyon niya.
"Saan?"
"Doon sa kabilang bayan papuntang terminal kako."
"Bihirang may naaaksidente sa lugar na yun ah."
"Sabi may nakarinig daw ng putok ng baril."
"Huh? Baka mamaya fake news yang minamarites mo sakin, tol."
"Totoo nga! Ang narinig ko pa nga ay may naisugod na sa ospital at may lalaking namatay dahil sa ingkwentro."
"Hoy! Anong ginawa niyong dalawa?! Kay lalaki niyong mga tao tapos chismisan kayo ng chismisan diyan. Magtrabaho kayo!" Sita ng manager nito.
Napahawak si Blessy sa kaniyang bibig dahil sa narinig. Ang barilan at namatay na lalaki ay sapat ng impormasyon para kilabutan siya. Isa pa, ang direksyon nila ay papuntang terminal kung saan susunduin ang padre. Paano kung makasalubong namin ang mga armadong lalaki? Bigla siyang napadasal dahil sa kaba at takot. Bihira kasi silang makarinig ng balita ukol sa p*****n, dahil kahit telebisyon ay pinagbabawal ng mga madre sa loob ng ampunan upang maiwasan ang karahasan at kalaswaan sa isipan ng mga bata.
"Blessy, anak? Okay ka lang ba? Namumutla ka hija."
Nakabalik na si Mang Kanor ng hindi niya namamalayan. Masyadong naipasok sa isipan niya ang balitang narinig sa dalawang lalaki kanina. "Okay lang po ako, tatang."
"Baka masama ang pakiramdam mo, magsabi ka lang."
Binigyan niya naman ng kasiguraduhan si mang Kanor, kaya't nagpatuloy na sila sa biyahe papuntang terminal.
Panginoon, ingatan Niyo po kami. Nawa'y hindi namin makasalubong yung armadong lalaki. Proteksyonan niyo rin po si father Bonifacio at ang kasama nito. Dalangin ko po na maging maayos ang lahat.
Matapos manalangin ay kinuha niya ang booklet na naglalaman ng mga batas sa pagiging madre.
A woman must adhere to a completely different set of regulations when she decides to become a nun, leaving the world of the layperson behind. This article will include all the fascinating information about nunhood, including their vows and daily activities.
Nuns join congregations or orders, which are typically'sects' within a religion. Different orders follow various regulations and have lots of requirements for their members. The nun's daily responsibilities include prayer, upkeep of the church's facilities, and charity deeds.
1. Chastity vows must be taken, which forbids marriage and other romantic or s****l connections.
2. You must make a vow of poverty, which entails leading a straightforward life. This typically entails letting go of your personal belongings (and any sense of "ownership") and sharing what you have with your neighborhood.
3. You must swear an oath of obedience, pledging to uphold the teachings of your religion and the authority of your religious authorities.
Remember, it could be necessary for you to adopt a vow of quiet.
Being a nun requires giving up the life you know for a lifetime of devotion, prayer, and chastity, so it's a decision you shouldn't make lightly. There's no doubt that it's not for everyone, and only a particular type of individual would be able to commit to it.
Madali lang ang mga ito para sa kaniya. Hindi siya lubos na mahihirapan dahil noon pa man ay wala siyang interes sa pakikipagrelasiyon. Kahit pa noong bata siya ay hindi siya nagkakaroon ng kahit kaunting paghanga sa isang lalaki. Pakiramdam niya nga ay nabuhay siya talaga para maglingkod ng buo sa Panginoon at wala ng iba.
"Nandito na tayo."
Naunang bumaba si Mang Kanor at naglabas ng board na nakasulat ang pangalan ni Padre Bonifacio Aguinaldo. Hindi kasi nila nakuha ang litrato mula sa email dahil dumaan ang bagyo. Malamang ay natagalan pa ito sa main post kaya't hindi na nag-abala pa si mother superior na kunin ang mail.
Walang ideya si Blessy at Mang Kanor sa itsura ng paring darating. Kaya kung sino ang lumapit sa kanila ay iyon na malamang ang padre at sakristan na assist nito. Ilang sandali pa ng paghihintay ay naubos na ang mga pasahero ng barko ngunit wala pa ring padre Bonifacio na lumalabas.
"Sigurado bang ngayon ang dating ni padre Bonifacio?" Tanong ni Mang Kanor kay Blessy na panay rin ay sulyap sa babaan ng barko.
"Ang sabi po kasi ni mother superior ay ngayon daw po."
"Baka naman naiba ang schedule ng dating niya dahil sa bagyo."
"Hindi ko po alam eh. Wala naman pong balita mula sa Maynila."
Napaisip kay Mang Kanor ang mga pinamili nila sa palengke. Baka kapag lalo silang nagtagal ay masira na ang mga ito at managot pa siya kay mother superior. "Magtanong kaya tayo sa crew nitong barko?"
"Opo, mas mainam nga po 'yon."
Agad silang naghanap ng crew para alamin kung may pasahero ba silang Bonifacio Aguinaldo. Pero ang bawat crew na kanilang nilapitan ay hindi nakatoka sa mismong admin ng cruise.
"Paano ba ito kung lahat ay hindi authorized sa listahan ng pasahero?" Nangungunsime na ang matanda sa isiping baka mailada ang mga pinamili nila.
"Sister Blessy!"
Napalingon si Blessy at Mang Kanor sa tumawag ng kaniyang pangalan. "Magandang tanghali po." bati ni Blessy rito.
"Magandang tanghali po, sister. Yung si father, po ba ang hinahanap ninyo?" Tanong ng guwardiya sa kanila.
"Opo, siya nga po."
"Kanina pa siya nakababa ng barko. Hindi naman siya nakasuot ng damit pang pari kaya malamang hindi nakilala ng staff ang padre." Malamang nga ay hindi mabibigyan kilanlan si padre Bonifacio kung hindi niya suot ang puting roba na bumabalot sa katawan, o ang alb na tinatawag.
"Ganoon po ba?" Kamot-ulong tanong ni Mang Kanor.
"Opo. Nakakwentuhan ko po kasi si padre bago siya lumabas para bumili ng tubig." Dagdag pa ng guwardiya.
"Sige po sir. Maraming salamat po. Mauuna na po kami baka makasalubong po namin si father." Pasalamat ni Blessy dito. Nagpasalamat din si Mang Kanor at dumiretso na sila sa auner.
Nako! Paniguradong malalagot kami kay mother superior nito. Bakit kasi may nagtalo pa kanina sa may palengke. Hayst.
"Blessy, ayun yata si father." Turo ni tatang Kanor sa lalaking paika-ika ang lakad.
Nakasuot ito ng kayumanggi na polo at slacks na pants. Nakaakbay siya sa isang lalaki na nakasuot naman ng blue na tshirt at pantalon. Malamang iyon na rin ang sakristan na assistant niya.
Hininto ni tatang Kanor ang auner sa gilid malapit sa dalawang kalalakihan. Nakapagtatakha naman na tumingin ito sa amin na parang hindi nila kami ineexpect na makita. Nagtinginan pa ang dalawa bago ngumiti ang naka blue na tshirt.
"Hello po, sister." Nakangiting bati nito.
Matangkad silang pareho pero mas may masayang awra ang nakablue na damit. Ang diretsong kilay nito ay tama lang sa nangungusap niyang mga mata. At ang ngiti nito ay halos parang nakakaloko na-- parang hindi totoo.
"Magandang tanghali sa inyo." Bati ko rin dito.
Nakipagkamay kami ni tatang sa kanila bago nagtanong si tatang. "Maitanong ko nga pala sa inyo. Kayo po ba si padre Bonifacio?" Baling ni tatang sa lalaking nakaakbay sa bumati sa amin.
"Ye--" nagkatinginan pa ang dalawang lalaki at nakita kong siniko siya ng nakablue na shirt. "Opo." sagot nito ng walang kangiti-ngiti.
Nagtama ang paningin namin at hindi mapigilan ng aking isipan na purihin ang taglay niyang itsura. May kulay abo itong mata na bumabagay sa kaniyang makapal na kilay. Ang matangos na ilong nito ay parang gaya ng mga taong nakatira sa kontinente ng Europa. Mukhang natural naman ang kulay rosas ng kaniyang malambot na labi. Matikas ang pangangatawan nito na humahapit sa kayumangging kasuotan. Mukha itong taga-ibang bansa na dayo lamang sa Pilipinas.
Nagulat lamang ako sa pagtikhim ng kaniyang kasama na nakangisi ngayon sakin. Nakakahiya. Pakiramdam ko ay nakagawa na ako ng kasalanan kahit pinuri ko lamang ang bagong dating na pari. Ang ngisi kasi na ibinibigay ng sakristan niyang kasama ay tila nanunukso.
Tumingin muli ako sa padre para tignan ang reaksiyon niya at...
Wag kang ngumisi sa akin ng ganyan padre.