"Hahahaha." Umaalingawngaw ang tawa ni Iyel dahil sa kwento sa kaniya ni Vaun. Pinagmamalaki kasi ng binata na mabilis lang siyang nakapagsabi ng 'sorry' kay Blessy. Ngunit batid ni iyel na iba ang pamamaraan ni Vaun, kaya't nang mabigyan ito ng diin ay halos mamatay-matay na siya sa kakatawa. "Titigil ka o titigil ka?" "Es, ow, ar, ar, way? Really?" Bakit ba pagdating kay Blessy natatanga nalang ako? Ano bang meron ang babae na 'yon at nagiging ganito ang nangyayari sakin? This is not me. "Saan ka pupunta?" Tinahak ko ang daan palapit sa cabin upang silipin muli si Blessy. Wala namang kwenta kung maghihintay lang ako sa sasabihin ni Iyel para makausap ko muli ang madre na 'to. I'll try by hook or by crook. Diretso lang akong pumasok sa cabin at hindi ko inaasahan ang magandang ta