Panay ang labas ni Vaun sa silid kung saan natutulog ang batang madre. I have to stand as a real man. Hindi pwedeng ganito lang. Nasa kalagitnaan ng pag-iisip si Vaun ng bigla nalang may tumawag sa kaniya. Ngayon niya lang din napansin ang napakaraming notification na nasa inbox niya. "Hello, sir? You have to sign some documents na naiwan niyo po kanina." Malumanay na saad ng secretary ni Vaun. "This is urgent, sir." dagdag pa nito. Hindi na nagsalita pa ang binata at binaba nalang ang tawag. Sa isip niya ay hindi niya maaaring iwanan ang batang madre na mahimbing na natutulog. Should I wake her up? Sumilip si Vaun sa loob ng kaniyang silid at nakitang natutulog pa rin ang dalaga. Kaya naisipan niya nalang bumaba sa kitchen area at linisin ang nagkalat na kagamitan. She's careless