NAALIMPUNGATAN ako sa mga boses na tila nagtatalo. "He needs her, Aila. We might lose our King!" Nagngingitngit sa galit ang boses na iyon na alam kong pagmamay-ari ng isang lalaki. "She's still not ready for this! We can't force her. She might also die!" Dumilat ako at sinalubong ang medyo madilim na paligid. Pilit kong inalala ang mga pangyayari. Aila who dragged me to the forest. Aila who left me there alone. The wolf who tried to kill me. The vampire king... Mabilis akong tumayo mula sa pagkakahiga ng maalala ang posibleng sinapit ng hari. I get it now. They're talking about him. Lumingon sa kinalalagyan ko si Aila. Pagod siyang ngumiti subalit ang hindi pamilyar na lalaki sa tabi niya ay matalim akong tinignan. Lumunok at binalewala ang presensya niya. "Nasaan siya?" Tanong ko