Kabanata 16

1014 Words

HINDI ko alam kung saan ibabaling ang ulo ko. Sobrang init. Ang sakit ng kalamnan ko at parang pinupukpok ang ulo ko sa sakit at nakakaramdam ako ng uhaw. Matinding uhaw. Parang mapuputol ang mga ugat ko sa lalamunan. Ang mga ngipin ko ay nagkikiskisan. Gusto kong uminom, gusto kong ibaon ang mga ngipin ko sa braso ng kung sino. Hirap na hirap akong huminga. Ang hangin ay parang nagdadamot sa akin. Nang sobrang walang hangin na ang pumapasok, idinilat ko ang mata ko. Hindi pa rin nawawala ang panginginig ng aking kalamnan, gayunrin ang aking pagkauhaw. Wala sa sarili akong napatayo mula sa pagkakahiga. Iginala ko ang aking mga mata. Humahanap ng maiinom. Mabilis akong umalis sa kama ng nakita ang isang kopita roon na may tubig at saka nilapitan iyon. Agaran ko iyong ininom. Inaakalang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD