bc

Fated To Love a Stranger (Tagalog Story)

book_age16+
1.6K
FOLLOW
4.4K
READ
friends to lovers
badboy
goodgirl
student
sweet
bxg
campus
highschool
enimies to lovers
first love
like
intro-logo
Blurb

#Alltheyoung #teenfiction

An Entry to Young Adult Teen Fiction Yugto Writing Contest

Pumayag si Landon na maging nobya ni Tonyang kapalit ng malaking halaga. Walang naman alam si Antoinette Thalia “Tonyang” Echeverria na sa paguwi niya sa Pilipinas ay siya ang masusorpresa bagkus na siya ang mang-sorpresa.

Simula noong bata pa akala ni Landon Ford Saavedra Javier sa buhay ay isa lamang laro . Wala siyang sineryosong suliranin. Maging sa eskuwela ay hindi siya katulad ng kaniyang nagkakatandang kapatid na si Logan Weston na isang henyo.

Gustong-gusto ni Landon na nasasangkot sa kapahamakan upang makuha ang atensyon ng kaniyang mga magulang. Parati naman siyang nakakalusot sa mga parusa ng kaniyang ama. Ang Kuya West niya ang sumasalo parati sa lahat ng kalokohang kaniyang ginagawa. Pinagtatakpan siya nito sa lahat ng kanyang kapalpakan.

Subalit nabago ang lahat ng malaman ni West na ang pinaglalaruan niyang babae sa Dumaguete ay ang dati nitong kasintahan. Isang laro lamang ang pagtanggap ni Landon sa alok ng Greenwood quadruplets. Malaking halaga iyon na sasapat sa kailangan niya sa kaniyang Europe tour.

Nang makita ni Landon ang larawan ni Tonyang agad niyang tinanggap ang alok ng magkakapatid upang maipaghiganti ang kaniyang kapatid. Ihuhulog niya si Tonyang sa bitag ng pag-ibig at wawasakin matapos niyang mapaibig ang dalaga.

Subalit hindi inakala ni Landon na siya ang mahuhulog sa sarili niyang bitag. Sa kabilang banda, natutunan ng buksang muli ni Tonyang ang puso sa iba. Pakiramdam niya ay umiibig na siya kay Landon.

Ngunit bago pa man ni Tonyang maipagtapat ang nararamdaman sa binata. Natuklasan niya ang panlilinlang nito at siya’y pinaglaruan lamang. Pakiramdam niya ay naulit muli ang kaniyang kahapon. Ang kaniyang mapait na kahapon na inakala niyang naghilom na.

Umamin si Landon sa kaniyang totoong intensyon. Gusto niyang pasakitan ang dalaga dahil sa nakitang niyang paghihirap ng kapatid. Hangad niyang iparanas rin sa dalaga ang maging miserable katulad kay West sa nakalipas na mga taon.

Hindi na nais ni Tonyang magkamaling muli. Ipinaliwanag niya ang nangyari sa kanilang nakaraan ni West. Matapos ay muli niyang nilisan ang Dumaguete.

Tuluyan namang nahulog ang loob ni Landon sa dalaga. Sinundan nito si Tonyang sa Boston. Humingi ito ng tawad at isa pang pagkakataon. Nagawa ni Tonyang na patawarin si Landon. Isang bagay na hindi niya nagawa noon sa unang lalaking kaniyang minahal.

Makalipas ang ilang buwan nakatakda ng ikasal si Tonyang kay Landon. Subalit nagtagpo silang muli ni West sa puntod ng kanilang yumaong kambal.

Piliin kaya ni Tonyang ang bago niyang pag-ibig o balikan ang dating minamahal?

Copyright © 2021 SUMMERJHEAN. All rights reserved.

ISBN: 978-1-956209-05-1

chap-preview
Free preview
Kabanata 1: Kaarawan
ABALA ANG LAHAT sa hardin habang si Tonyang naman ay hindi maipinta ang mukha. Pinilit lamang siya ng kaniyang ina magsuot ng magarbong gown sa kaniyang ika-labing anim na kaarawan. Nakangiwing isinuot niya ang gown na dala-dala pa ng pinsan galing Estados Unidos. Halos lahat ng mga kamag-anakan ng Leviste at Echeverria ay dadalo sa pagtitipon para sa kanilang magkakapatid. Maging ang lolo at lola niya na nakatira sa Washington ay umuwi rin para makisaya sa kanilang kaarawan. Makailang ikot ang ginawa ni Tonyang sa harap ng salamin. Lingid sa kaniyang kaalaman, nakatayo sa may pintuan ang kaniyang ina habang nakangiting pinagmamasdan ang kaniyang itsura. Kapagdaka’y dahan-dahan itong lumapit kay Tonyang. Tumayo ito malapit sa tokador habang tahimik na hinahangaan ang kagandahan ng kaniyang dalagita. “Oh mybaby, you look dazzling, sweetie," ani Carmella."Dalagang-dalaga ka na. Sabi ko sa’yo babagay ang princess cut ball gown na 'to. Look at your curves. Pang-Miss Universe." "Mama. I am only wearing this for you. Pakiramdam ko wala akong saplot. Bakit ba ganito ang pinagawa mo? Malamang matapos ang handaan magka-pulmonya ako,” reklamo ni Tonyang. Hakab na hakab iyon sa kaniyang katawan. Her gown was covering only half of her torso. Naiipit rin ang kaniyang dibdib sa istilo ng ball gown. Daig niya pa ang pinagsuot ng masakip na push-up bandeau. ” It's too tight, Mama. Hindi ako makahinga.” “Tiis ganda, anak,” anito. “Okay lang 'yan. Maya-maya pa masasanay ka na. Iyong gown nga ni Ayesha mas—” “Mama,” pinutol ni Thalia ang sasabihan ng ina,”si Ayesha ‘yon. Alam mo naman modelo siya.” “Anak, hindi naman daring ang suot mo. Eh, ‘di hamak na mas konserbatibo itong gown mo kaysa sa gown ni Ayesha." “Conservative? Ma, look how bare my back is. Tingyan mo ang dibdib ko parang mapipisa na sa higpit.” “Anak, istilo ‘yan. Bakit siya Ayesha okay lang sa kaniya?” "Istilo? Mama, Ayesha is comfortable wearing dresses. I don't. Saka iyon ang istilo niya halos lahat ng damit kinulang sa tela. Hindi ko gusto ang magsuot ng ganitong istilo. Nakakasuka magsuot ng bestida. I am literally, nauseated right now,” susunod-sunod na reklamo ni Tonyang na nakasimangot sa ina. "Umaarte na po si Tonyang," sabad ni Andong. Isa sa kakambal ni Thalia. Triplets sila. Nagiisa siyang babae. Magkakamukha silang tatlo subalit magkakaiba ang ugali. "Mas bagay 'yang tuxedo mo sa akin Andong. Palit tayo," sagot ni Tonyang sa kapatid. "No way! Highway!" hiyaw ni Andong. Si Usting ang mas malapit kay Tonyang kaysa kay Andong. Madalas magtalo si Andong at Thalia taliwas kay Usting na parating pinagbibigyan ang kanilang prinsesa. "Bakit narito kayo sa kuwarto ko?" pagsusingit ni Tonyang sa dalawa. "Wala lang. Kanina ka pa kasi nagpapaganda. Nasa baba na ang lahat ng bisita. Naiinip na sila,” sagot ni Andong. "You look perfect, sweetheart," pagkukumbisi ni Carmella sa anak.” Tara na, bumaba na tayo.” “Not yet, Mama. Wala pa si Papa,” pagpigil ni Tonyang sa ina. Nangako ang kaniyang Papa na sasabayan siyang maglakad pababa sa hagdan ng mansyon. Magmula sa baba ng hagdan ang mga kakambal niya naman ang sasabay sa kaniya maglakad patungo sa hardin kung saan naroroon ang mga bisita. NAPILIT SA WAKAS ni Carmella ang anak na mag-suot ng gown. Kahit highschool prom nito ay hindi nag-attend dahil ayaw na ayaw ni Tonyang na magsuot ng bestida. Tonyang prefers joggers, loose tees, long-sleeved, and rugged jeans with her riding boots. Iyon ang istilong kinalakihan ni Antoinette Thalia Leviste Echeverria. Ika labing-anim na kaarawan nilang triplets. Tonyang is wearing a pink princess cut ball gown na kita ang kalahati ng dibdib at hakab ang likod. Her Aunt Ginger designed her gown. Galing pa ang gown na suot niya sa New York. Sadyang umuwi ang Greenwood quadruplets upang personal na mag-deliver ng gown ni Thalia. Naka-white tuxedo naman ang masungit na si Alfonso” Alfie” Tustin na Usting kung tawagin ni Tonyang. Naka-black naman si Alejandro “Tobi” Tobias o Andong. Ito ang tinaguriang playboy ng Tayasan, Dumaguete City. Tonyang naman ang tawag ng dalawa kay Antoinette Thalia. Those petnames are only exclusive to the three of them. Lalo na kapag nag-aasaran. Maliban sa kaniyang mga kakambal at mga magulang sina Ayesha, Cheska, Apol at Marcus lamang ang tumatawag paminsan-minsan ng Tonyang kay Antoinette. "Dalaga na ang maton namin," kumento ni Andong sa kapatid. Matapos ay dinagdagan pa nito ng pang-aasar, "binatang-binata ka na,Thalia. Puwede ka na magkanobyo." Tatawa-tawa ito habang pinagmamasdan ang kakambal. Marahil ang lahat ng nasa hardin ay mapapahanga rin sa angking ganda ng kakambal nila. Kung hindi nga lang ito boyish papasa itong modelo at puwedeng-puwedeng rumampa sa mga beauty pageant. However, Tonyang acts like a man rather than a lady. "Itikom mo 'yang mapang-asar mong dila Andong bago kita masampulan. Nakakahiya naman sa date mo na may black-eye ka mamaya." "Ang bayolente mo talaga, 'tol,” anas nito. "Tama lang sainyong dalawang gonggong ang mabigwasan ko," sagot ni Tonyang. "Antoinette Thalia! Watch your language, young lady," pag-sita ni Ethan sa anak. Kararating lamang ni Ethan galing Maynila matapos ang huling operasyon sa Schumer Medical Center. Isang buwan siyang nakabakasyon sa trabaho upang makasama ang pamilya at mag-ocular facility visits sa mga negosyo ng Echeverria. Ang ina ni Tonyang ang nagaasikaso ng kanilang negosyo sa buong taon habang pinatuloy ng kaniyang ama ang propesyon nito bilang doktor. Nasa paanan pa lamang ng hagdan ay rinig na rinig niya na ang bangayan ng kaniyang mga anak. Lumalaki ng ang kaniyang triplets kaya nagpatayo na si Ethan ng sarili niyang medical clinic sa Tayasan. Halos dalawang taon pa ang itatagal bago mabuo ang gusali iyon. Walang pagsidlan ang galak ni Ethan na makita ang napagkaganda niyang prinsesa at nagpakisig na mga prinsipe. Nakangiti ang kaniyang asawa habang sinusuotan ng kuwintas si Tonyang. "Papa!” Sigaw ni Thalia. Agad-agad itong yumakap sa ama. Nakipag-fist bump naman sina Andong at Usting sa ama. Ganoon sila ka-cool na mag-anak. ” Pa, pasalubong ko po?” tanong ni Thalia sa ama. Sanay na siyang may dala itong munting regalo sa tuwing uuwi galing sa trabaho sa Maynila. General surgeon ang ama ni Tonyang. Bagaman mayaman mas pinili nito ang maging volunteer doctor upang makatulong sa mga mamamayang nangangailangan ng kaniyang pagkadalubhasa sa pagoopera. “Dalaga ka na! Hindi na bagay sayo humingi ng pasalubong, Tonyang!” ani Andong. “Tse! Bibigwasan talaga kita, Andong. Kanina ka pa!” pikon na hiyaw ni Tonyang sa kapatid. “Antoinette, tama na ‘yan. Magpipikonan na naman kayo,” saway ni Ethan sa dalawa. “Totoo naman kasi, Papa. Saksakan ng kagagohan ang dalawang tukmol na ‘to. Hindi naman nila kaya makipagbugbogan." "Oo! Ikaw na ang pinakamagaling mahal na prinsesa," dugtong naman ni Usting.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rewrite The Stars

read
95.3K
bc

WHAT IF IT'S ME

read
67.0K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
239.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook