NANG magising si Monica ay nasa isang magandang silid na siya. Agad na hinanap ng kanyang paningin ang kanyang anak pero wala ito sa kanyang tabi. “J-Jake?” nang mapuna ang niya ang isang lalaking natutulog habang nakayuko ang ulo sa kanyang tabi. Nang mag-angat naman ng ulo nito si Jake at makitang gising na siya ay agad itong ngumiti. Noon din tamang bumukas ang pintuan ng silid. Pumasok mula roon ang isang nurse dala ang isang sanggol na alam niyang ang kanyang anak. Si Althea. “Ang ganda naman niya,” ang kaagad na nasamabit ni Monica matapos ibigay sa kanya ng nurse ang sanggol. Nakangiting nagsalita si Jake para sagutin ang sinabi niyang iyon. “Kamukha mo siya, actually,” anitong pinaglipat-lipat ang tingin sa kanya at sanggol na ngayon ay payapang natutulog sa kanyang mga bisig.