GAYA ng napagkasunduan nilang dalawa kinabukasan ay sinundo siya ni Jake at isinabay na sa pagpasok nito. Pagkahatid ng mga paninda niyang leche flan sa cafeteria ay dumiretso na rin siya sa pedia ni Althea. Alam niyang wala iyon sa itinerary niya para sa araw na iyon pero dahil naroon na rin naman si Althea ay minabuti niyang ganoon na nga rin ang kanyang gawin. “May pupuntahan ka pa ba pagkatapos dito?” tanong ni Jake sa kanya nang papasok na sila sa loob ng opisina nito. Nagkibit siya ng kanyang mga balikat. “Wala naman. Ikaw ba? Marami ka pa bang hinihintay na pasyente?” Tumango si Jake. “Konti nalang naman sila. Sa tingin mo, makakapaghintay ka ba o mas gusto mong maglibot muna sa mall kasama si Thea?” anang binata sa kanya. “Sa tingin ko okay naman iyong huli mong suggestion,”