“LAHAT ng tungkol sa iyo, gusto ko,” iyon lang at muli na niyang hinala ang batok ni Jake para sa isang mas mapusok na halik. Nasa ganoong ayos sila nang tuluyang hubarin ni Jake ang suot nitong pang-itaas. At si Monica, buong pananabik naman na hinaplos ng kanyang mga kamay ang mabalahibong dibdib ng binata. “J-Jake,” anas niya nang bumaba ang mga halik ni Jake sa kanyang leeg. Hindi sumagot ang binata at sa halip ay muli nitong inangkin ang kanyang mga labi. Pero kasabay niyon ay ang paglulumikot na ngayon ng mga kamay ng lalaki na sinimulang damhin ang maseselang parte ng kanyang katawan. “Napakabango mo,” anito sa kanya habang hinahalikan siya sa leeg. Parang napapaso si Monica nang mga sandaling iyon dahil sa init ng maliliit na halik ni Jake na itinatanim nito ng walang patid sa