“Hey, Babe!” Sigaw ni Alex habang tumatakbo papalapit sa nobya.
Niyakap niya ito at tila sila lamang ang tao sa arrival hall ng airport at walang pakialam sa mga tao habang magkalapat ang kanilang mga labi.
“Did you miss me?” mapanuksong tanong ni Alex kay Vionne.
Bahagya namang namula ang pisngi ng dalaga dahil totoo ang tinuran ng nobyo. Hindi lamang ang presensya nito ang na-miss niya kundi pati na rin ang mainit nitong yakap at halik na nakasanayan niya simula ng ligawan siya nito.
“Y-Yes,” mahinang sagot niya at itinago ang mukha sa matipunong dibdib ng nobyo.
“Let's go, I have good news regarding my business trip and about our marriage.” nakangiting sabi nito at kinuha ang kanyang palad at nagsimula na silang maglakad palabas na magkahawak ang mga kamay.
Walang pagsidlan ng nag-uumapaw na kaligayahan si Vionne. Habang papalapit ang kanilang kasal ay mas lalo niyang nararamdaman ang katuparan ng mga pangarap.
Nang makarating sila sa kotseng nakaparada ay bumukas ito ng otomatiko. Inalalayan siyang makapasok ng nobyo hanggang siya ay makaupo.
Excited na siya, inaasahan niyang sa hotel sila maaring tumuloy o kaya sa bahay nito ngunit napalis ang ngiti sa labi ni Vionne nang kausapin nito ang driver.
“To the company.”
Hindi nagpahalata si Vionne at labis ang pagka up a db mydismaya. Inihanda pa naman niya ang sarili. Halos maligo na siya sa pabango at sigurado na maaakit sa kanya ang nobyo.
Trabaho na naman. Kaya nga siya umalis dahil sa trabaho. Bulong na sabi ni Vionne sa kanyang sarili habang nakanguso ito.
Hindi niya napansin na nakatingin sa kanya ang nobyo at napangisi ito. Agad naman nitong inabot ang kanyang kamay at pinisil-pisil iyon.
“Hey, I just need something to bring to the office. So, stay here then I'll go up by myself, okay.” sabi nito at hinaplos ang kanyang malambot na pisngi.
“Okay,” malambing na sagot ni Vionne at napakagat labi pa ito ng bahagya.
Nagningning ang mga mata at biglang na-excite muli. Akala niya ay hindi niya masosolo ang boyfriend.
Pagkababa ni Alex ng kotse, ipinasok muli ang ulo sa bintana at inabot ang kanyang mukha at marion siyang hinalikan nito.
Halos mamula ang mukha ng driver dahil sa ilang segundo na paghahalikan ng dalawa na hindi niya maiwasang mapasilip sa rear mirror.
Halos mapugto ang hininga ni Vionne nang bitiwan siya ng nobyo at iniwan na siya nito sa loob ng kotse.
“I'll be right back in 10 minutes."
Sinandal ni Vionne ang ulo sa headrest habang nakapikit ang mga mata.
Excited na siyang isukat ang kanyang wedding gown ngunit ayon sa nakatatanda, bawal daw itong isukat. Noong nakaraang linggo habang wala si Alex ay dinala siya ni Mrs. Mondragon sa isang sikat na mananahi ng traje de boda. Ngunit hindi ito tatahiin sa bansa. Makikita lamang niya ang damit sa araw ng kanilang kasal sa Milan.
Mabilis lumipas ang mga araw at ang pinakahihintay na araw ni Vionne ay dumating na.
Halos maiyak ang kanyang mga magulang. Nagagalak silang makilala ang magiging manugang at ang mabait na balae.
Simula ng makilala ni Mrs. Mondragon ang mga magulang ni Vionne ay agad nitong binilhan ng bahay ang pamilya ng dalaga.
Isang bungalow na may magandang hardin at mas pinili ng mga magulang ni Vionne sa probinsya na malapit lamang sa kamaynilaan.
Nais na lamang daw ng mga ito na magtanim ng mga gulay at malibang sa negosyong gulayan sa palengke. Lahat ng ito ay tinupad ni Mrs. Mondragon, maging ang pwesto sa palengke ay binili din at ang karatig na lupaing malapit sa kanilang bahay na nabili ay ginawang vegetable farm.
Walang pagsidlan ng saya si Vionne at ang kanyang magulang. Simple lang naman ang kanilang pangarap ngunit binigay iyon lahat ni Mrs. Mondragon.
“M-Mom, thank you. Salamat sa pag-asikaso sa aking magulang.”
“Naku, Hija. It was nothing. Alam mo, Hija all I want is to see my grandchildren playing around with us,” nakangiting sabi nito na nag patigil ng t***k ng puso ni Vionne ng ilang segundo.
Apo? Gusto niya ng apo? Gusto ko rin ng anak pero paano? Wala pa nga nangyayari sa amin ni Alex.
“I know you can give me a dozen grandchildren, right Vionne?”
“Y-Yes mom,” confident na sagot niya sa biyenan.
Mabilis umusad ang araw at lahat ay handa na sa kasalang magaganap. Nakilala ni Vionne at ng kanyang magulang ang angkan ng mga Mondragon. Hindi naman ito mga suplado o maarte.
Sa mismong araw ng kanilang kasal ay makipagsabayan din siya sa mga sosyal na kamag-anak ni Alex.
Habang hinahanap niya si Alex ay napadaan siya sa mga pinsan nito na nag-uusap sa mesa. May asawa na rin ang mga ito at may mga anak.
“Hey, Vionne. Where are you going?” tanong ni Nadine.
“I am looking for Alex, I want to change my cloth and ask his help,” sagot niya na medyo nahihiya pa.
“Okay, go ahead then.”
Hindi pa man nakakalayo si Vione sa dalawa ay narinig niya ang boses ni Nadine na nagtanong kay Andrea.
“Bakit nga pala hindi ko nakita si Aldrin? How long will he hide? Alex didn't invite him, no?”
Habang hawak ng dalawang kamay ang lilis ng nightgown ay matamang nag-iisip si Vionne kung sino si Aldrin.
Iniwan muna saglit ni Vionne ang reception, naiihi na rin siya kung kaya naman dali-dali siyang pumunta ng lift. Pinindot niya ang 35th floor kung saan nandoon ang kanilang mga gamit. Pagbukas ng elevator ay bumungad sa kanya ang lalaki at babaeng naghahalikan.
Halos lumuwa ang mata ni Vionne ng makilala ang lalaki na nakatalikod. Napatayo lamang siya sa hallway at tulala na pinapanood ang dalawa na walang pakialam sa kanyang presensya.
Ang hugis ng katawan, gupit ng buhok at maging ang suot nito ay alam niyang si Alex iyon. Lumakas ang t***k ng kanyang dibdib at akma na sana siyang hahabkang upang sugurin ang dalawa ay biglang nagbukas ang pinto sa tapat niya.
“Hey, what are you standing there? Come here,” hila sa kanya ni Alex papasok ng kwarto.
“A-Alex!”
“I can't believe na marunong palang mamboso ang wifey ko,” biro ni Alex sa kanya.
“Ah hindi, nabigla lang ako sa mga iyon. Naiihi nga pala ako, what took you so long?”
“Go to the toilet first then let me explain okay.”
Alam naman ni Vionne na hinanda lamang ni Vionne ang kanilang gamit sa nalalapit nilang paglipad patungo sa Greece kung saan doon nila gaganapin ang kanilang pulotgata.
Papasok na sana siya ng banyo ngunit nahagip ng kanyang mata ang maliit ng briefcase na minsan n niyang nkita sa warto noon ni Alex.
Nagtataka man ay tuluyan na siyang pumasok ng banyo at iniisip na lamang kung ano ang posibleng laman nito.
Nang makaraos, bumalik agad siya sa kwarto ngunit wala ma doon amg briefcase.
“Are you ready?” tanong ni Alex sa kanya pagkatapos magpalit ng damit na komportable para sa byahe.
“Yes!”
“Let's head down and bid farewell to the guest and family.”
“How about my parents,” nag-aalala na tanong niya sa asawa.
“Don't worry, Mom will take care of them,” sagit nito at hinalikan siya sa ulo.
Habang nasa biyahe, hindi pa rin mawala sa isip ni Vionne amg tungkol sa briefcase na iyon. Hindi rin mawala sa isip niya ang lalaking nakita niya na halos kahawig ni Alex lalo na sa pangangatawan.
Nagtataka din siya at gustong malaman kung sino ang Aldrin na tinutukoy ng mga pinsan ni Alex at kung bakit ito hindi imbitado sa kanilang kasal.
“A-Alex, may I ask you something?”
“Yeah, Babe. What is it?”
“What's with that briefcase I saw once in your room and I saw in the hotel room?” seryosong tanong ni Vionne na ngayon ay asawa na niya.
Karapatan niyang malaman ang mga bagay bagay na involve sa kanyang asawa.
“Hmm, excited? Later, you will know.” sagot nito ng nakangiti pa at hinila siya sa matipunong dibdib nito.