Tapos na ang selebrasyon ngunit nasa veranda pa rin si Alex, parng balisa ito at sunod-sunod ang pag-hithit-buga ng sigarilyo sa bibig. Agad itong nilapitan ni Vionne na katatapos lang maligo. Kanina nay nauna ng maligo si Alex habang inaayos niya ang damit ng asawa at ang kanilang higaan. Inikot ang mga kamay sa bewang ng lalaki at sonibsob ni Vionne ang mukha sa likod ng asawa at inamoy-amoy pa ito. Naging malikot ang mga palad paakyat sa matipunong dibdib ng asawa. Agad na pinatay ni Alex ang sigarilyo sa ashtray at malambing na hinarap ang asawa. “Vionne, Babe. I love you so much," sabi nito at hinalikan ang asawa sa noo. “Hmmm, mas mahal na mahal kita," agad naman na sagot ni Vionne at gumanti ito ng halik sa labi. Mainit ang halik ni Vionne na tila naghahamon. Agad naman na nauna