Chapter 21 (Stay)

1486 Words

Nang gabing iyon ay hindi makatulog si Primo, nasa labas siya habang nakaupo sa bumper ng kaniyang sasakyan, tinutungga niya ang bote ng beer, habang nakatanaw sa kalangitan. Pasado alas diyes na ng gabi sa oras na iyon pero nanatili pa rin siya sa labas. Mayamaya pa ay nakita niya ang magkapatid na si Teresa at Kulas. Lumapit ito sa kaniya. "Magandang gabi.." bati pa ng dalagang si Teresa. "Magandang gabi, rin." Sabi pa ni Primo. "Malalim na ang gabi, Primo, pero 'bat nasa labas ka pa rin?" tanong pa ni Kulas kay Primo. "Nagpapahangin lang." Tipid niyang saad. "Gan'on ba, sige, uuwi na kami, sinundo ko lang 'tong si Teresa kina Lourdes," sabi pa ni Kulas kay Primo. "Hold on, nga pala. Nasa likod ang bisekleta ni Teresa, kunin n'yo na." Sabi pa ni Primo kay Kulas. "Pero...b

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD