Kabanata 2

2589 Words
Blind date “Cheers!” Masayang sigaw ni Safiya bago namin sabay sabay na ininom ang isang shot ng tequila. Kanya kanya na rin kaming kuha ng lemon habang nag lagay ulit sya ng panibagong alak sa shot glass. “Okay, another one for good luck!” Wala na kaming nagawa kundi inumin ulit iyon. I need all the alcohol I can get on my system right now. Kitang kita ko ang pag nginig ng kamay ko habang hawak ang shot glass para inumin ang alak. ”I can’t believe I said yes to this. “ sambit ko pagkatapos inumin ang alak. “Me too.” Agad akong napalingon kay Safiya sa sinabi nya. Natawa naman si Anya. ” I really thought di ako makakalusot sayo, but hey! Good thing I tried.” “What the hell Safiya?” Pagkatapos nya akong dramahan ng power of friendship ay sasabihin nya yan? ”I was contemplating kung mag popost na ba ako ng job posting. But don’t worry, you’re the first and perfect choice.” Alu nya sa akin as if naman na ikakatuwa ko iyon. “Pwede ka naman pala mag hire, bakit ako pa?” ”Kasi nga ikaw ang perfect choice!” I looked at her with no reaction. Agad naman syang nag pa cute. “The only reason I can’t go to that blind date is because I’m scared of him. I’m scared I can’t say no. But you, aside sa di mo sya masyado kilala in business, you’re not scared.” I still maintained my no reaction face. Hindi sapat yon! “Anyone can say no to him Safiya kung kailangan lang pala ay iyong hindi sya kilala.” Sagot ko. ”No. It’s not like you haven’t seen his face. With his good looks kahit ata sabihin nyang tumalon yung kausap nya sa building gagawin iyon. You are the perfect choice because he’s not your type and you’re not scared” mayabang na sagot ni Safiya na para bang ang talino nya sa sagot nya. “I hate to Agree on Safiya’s crazy idea but she’s kind of right.” Sumagot na din si Anya. “You’ve been single this whole time because you stick so much to your “golden retriever boyfriend” type and Uno is not that type.” Anya has a point. Hindi naman sa pag mamayabang pero parang ganoon na nga, I never had a boyfriend, I flirt from time to time but never dated. I know my type and I stick to it. Ayoko ng pwede na. Kahit kaunting ugali na hindi sumakto sa tipo ko ay hinihindian ko agad. And saying no or contradicting anyone is not really a problem to me. If i'm given a job I’m gonna get it done, kaya kahit mga terror naming prof ay hindi effective sa akin. But that is not the point! ”I still hate this! Ngayong alam ko nang may iba palang option.” Inis kong sabi. She could’ve hired someone else! At least ngayon ay mag paparty nalang sana kami! ”Too late for that!” Masayang saad ni Safiya na hindi ko matanggap. “Let’s just take another shot and forget the negative thoughts.” Muli ay inabutan nya kami ng isang shot ng tequila. Nandito kami ngayon sa condo nya to prepare for this date at mag party after. In Safiya's dictionary, this is a double celebration. Celebration for graduating and for getting rid of her blind date. Late dinner daw ang schedule namin dahil busy ang ka blind date ko. Madalas ay isang oras lang naman daw tumatagal dahil kakain lang naman. Ayon sa reservation ni Safiya ay 8pm pa naman daw, kapag natapos kami ng 9pm tsaka kami mag snacks sa mga restaurant na malapit lang sa Club na pupuntahan namin. “Nariyan lang kami sa kabilang restaurant ng hotel. Pag tapos na kayo, itext mo nalang ako agad at susunduin ka na namin” bilin sa akin ni Safiya habang nasa sasakyan nya kami. “Whatever Safiya, pero sure ka ba sa suot ko na ito? Parang mas mabuti pa atang si Anya nalang ang dumalo” para naman kasing hindi na ako pupunta sa dinner diretso party na. I looked at Anya’s white tweed Chanel co-ords. It’s a skirt co-ords kaya kahit crop top ang panloob mukha pa ring disente tignan. Anak na anak ng governor ang dating talaga. Pinasuot sa akin ni Safiya ang kanyang maiksing leather skirt at ang kanyang midnight blue sleeveless silk tank top. Partnered with an ankle strap heels na black din. Parang mas bagay na um-attend si Anya? “What’s wrong? You look hot! ” agad kong sinapak sa braso si Safiya. Tumawa lang sya. “That’s okay Amore, ang point naman ng pag punta mo ay para tumanggi. Kung ma turn off man sya sa suot mo then much better diba? Konting push nalang at baka mauna pa syang umuwi “ ani Anya na mukhang madami ng alam sa mga ganito. “Okay sige, basta dyan lang kayo sa kabilang hotel ah! “ banta ko sa kanila bago nila ako ibinaba sa harap ng hotel kung saan ang restaurant na pagkikitaan namin. Here goes nothing. Pag pasok ko palang ng hotel lobby ay pinag titinginan na ako. Dahil na rin siguro sa make up ko, sinabihan ko si Safiya na medyo i-dark dahil mahuhulas din naman at madilim din naman sa club. Agad akong dumiretso sa kanilang restaurant. “Safiya Montelibano” ani ko sa receptionist ng restaurant. Tinignan nya ako bago hinanahap ang reservation. Pumikit ako sandali dahil sa kaunting hilo sa ilang shot ng tequila na ininom namin. Agad din namang may nag assist sa akin sa reserved table. Pagka-upo ko ay nag check agad ako ng oras. I still have 15 minutes before mag 8pm. Masyadong napa-aga. I guess I still have time para mag practice kung paano ako tatanggi mamaya. With all the events in our life, kahit mag practice ng speech ay hindi ko na nagawa. Well, all I need is to stay no. Ang sabi nya ay masyado daw nakakatakot si Uno. He was a ruthless and charming businessman kaya kung may magustuhan man ito madali nyang makuha. “Are you Miss Safiya Montelibano?” napatalon ako ng bahagya sa narinig kong boses. Mabilis akong lumingon at napatulala sa nakita ko. I know Uno is good looking but I’ve never seen him in person and up close. The pictures I saw gave no justice to how he looks in real life. Tangina ano kayang skin care nya? Ang kinis?? “Mr. Juan Miguel Perfecto?” tanong ko. Tumaas ang kilay nya sa akin bago marahang tumango at umupo sa upuan sa harapan ko. Napalunok ako. When they said Uno was good looking, I think it was an understatement. He’s a f*****g greek god! Even his voice screams masculinity! Nangangati ang kamay kong mag punas sa imaginary pawis ko. Para akong lalagutan sa itsura nya. He’s clad in a burgundy 3-piece suit that fits him perfectly. Isang tingin pa lang ay alam ko ng may itinatago itong magandang katawan. The sides of his hair are undercut but the top is sporting a long quiff haircut. Mukhang naka ilang beses na sya ng pasada ng kamay nya sa kanyang buhok but it still looks good. His eyebrows are thick and very manly which is a huge contrast to his deep set eyes and long lashes. Napakurap kurap ako dahil kailangan ko pang mag mascara palang pumilantik ng ganoon ng pilikmata ko. His nose is perfect for his face and his chiseled jaw makes him look manly, perfectly balancing his pretty looks. And his lips are thin, which makes it look kissable. Napa lunok ako. Ito ba ang ibig sabihin ni Safiya na mahirap ito tanggihan? Because his looks make me want to say yes to anything he’s going to say. Kung golden retriever type pa sya ay baka ako na ang mag propose. But thank God he’s not! I cleared my throat at pasimple kong kinurot ang braso ko. Nakita kong bumaling ang mga mata nya sa kamay kong kumurot sa braso ko. I saw his lips turned up but it never continued into a smile. Calm down Amore! Nandito ka para tanggihan ang ano mang usapang mangyayari dito! How dare you get swayed by his looks? . . but still hindi naman ibig sabihin noon na hindi sya pwedeng I admire diba? I’m just a woman, admiring a good-looking man. “Done checking me out?” his deep and rich voice echoed in my head. “Yes. “ sagot ko, huli ng narealize ang tanong nya. SHIT. “I mean no! “ napa lakas kong sagot. Bigla akong na conscious ng may nag lingunan mula sa ibang table. Kumunot ang noo. Safiya would admit if she’s checking out someone, so I think this would be fine. Besides, kung ayaw nya sa masyadong forward na babae then much better! ”Yes, I am done checking you out.” Matapang kong sagot pero ramdam ko ang pag init ng leeg at buong mukha ko. I bet my whole face is red right now. Tumaas ang isang kilay nya bago dahan dahan syang sumandal sa back rest ng upuan nya. He crossed his arms over his chest and his over hand went to cover his lips or maybe smile. I can take a picture of him right now and send it to a magazine for sure magiging cover agad iyon. Napansin kong tumingin sya sa kanyang relo. Napataas ang kilay ko. When I don’t like my date, I always look at my watch and my phone para makita nilang may lakad pa ako. In short parang sinabi mo na ring hindi ka interesado. Kakadating nya palang may lakad na agad. Mukhang hindi ko na kailangang gumawa ng kwento dito dahil mukhang sya na ang tatanggi mismo. Maybe it’s better If I go straight to the point. Pero ang sakit naman noong kakaupo palang eh may lakad na. Hindi man lang ba tayo mag paplastikan pretty boy? Well, whatever. Might as well end this. “Kung may lakad ka pa, siguro hindi na dapat tayo mag pa ligoy-ligoy pa” panimula ko. Gulat syang napa tingin sa akin. “I actually have an appointment but—“ “It’s okay, I have an appointment din after this so much better kung maaga tayong matapos “ Nginitian ko sya. “ Uhh—so I am not really the type of person who would settle down, and by your looks I think ganoon ka din?” tumaas ang kilay nya sa sinabi ko. “We both know kung para saan ang ganitong mga blind date, I just want to say na I am not up for anything after this, be it another date or marriage proposal” dire diretso kong sinabi. Since he’s a businessman for sure mas gusto nya ng diretsahan. Ayaw ng mga tulad nya ng paligoy ligoy. “Why?” tanong nya bigla. Anong why? Why saan? Why ayoko? “You don’t like me?” muling tumaas ang kilay nya. Para bang nanunuya sya, para bang alam nyang gusto ko sya pero nag dadahilan lang ako. “Yes, I don’t like you.” Matapong kong sagot. Which is true. Me as Safiya and me as Amore doesn’t like him. Gusto ko yung mga friendly, palangiti type na mauulol kapag di ko pinansin. “Your eyes say otherwise though?” napa ubo ako sa sinabi nya. He’s right! Pagkatapos kong pag sawaan sya ng titig bigla akong may pa ganito. “I like to appreciate good looking men” ani ko. Totoo naman. I like good looking men. I’ve flirted with good looking men but never really dated them. Even Anya and Safiya does it. Pag nasa club or malls, hahanap ng gwapo at pag uusapan lang, though safiya usually goes home with someone, Anya and I just like to flirt and appreciate. “And besides, I don’t think na mag kakasundo tayo” tinitigan nya ako, para bang sinasabihan nya akong mag patuloy. “I like to p—play around “ nauutal kong dugtong. Well Safiya likes to! And I’m Safiya now. “I like to go on Clubs and go home with different guys. ALL THE TIME. Kaya ang mag settle down ay wala pa sa isip ko.”all true and according to Safiya. Nanatili ang titig nya sa akin. Walang emosyon ang mukha nya, hindi ko tuloy alam kung anong nararamdaman nya. Kung naniniwala ba sya sa akin or he can smell my bullshit. Well, wala din namang silbi ang sinabi ko, so what if I sleep around right? It’s my body, but some other people hates it so sana isa sya doon? “Mahilig din akong uminom” patuloy ko “ Sobra, feeling ko nga addiction na ito. Madalas ang buong sahod ko ay sa alak nalang napupunta. “ huminto ako sandali upang tignan ang reaksyon nya pero nanatili itong walang emosyon. Sandali akong pumikit upang mag isip. Ano pa bang ayaw ng mayaman? “Casino “ napangiti ako sa sinabi ko “ Mahilig akong mag casino. Hindi na nga ako makapag hintay na ipamana sa akin lahat ni Daddy ang business nya. Mas mabilis na lalago iyon kung itataya ko sa casino “ Sorry Daddy Montelibano, kasalanan itong lahat ni Safiya. Kinabahan ako ng wala pa rin syang emosyong naka titig sa akin. Ano ba ito? May problema ba ito sa comprehension? Bakit hanggang ngayon eh tulala? Gulat ba sya sa lahat ng gawain ko? “Uh—so ayun” awkward kong patuloy. Wala na akong ibang masabi. “I have an appointment so I can’t really stay” agad akong napa buntong hininga sa narinig. Aalis na sya, mukhang effective lahat. Kumunot ang noo nya sa reaksyon ko. “ Ako rin. So I guess this is the end?” naka ngiti kong sambit. That was fast, wala pa ata kaming bente minutos na mag kasama. Pero mabuti na din at matapos na ang kaba ko. I can’t believe I’m saying this but I can’t wait to release this stress and party. I did my job and I did great! Tumayo na sya, mukhang aalis na talaga. Nanatili akong naka upo at kinuha ang phone ko para mag chat sa gc. “Saan ang tungo mo pagkatapos nito?” tanong nya, mula sa cellphone ay sinulyapan ko syang nag aayos ng sleeves. Medyo nagulantang pa ako sap ag tatagalog nya. Don’t get me wrong, he speaks well, hindi ko lang ineexpect ang pag tatagalog mula sa kanya. “Sa The Palace kami nila Safiy—ng mga kaibigan ko” kinabahan ako ng tumagal ang titig nya sa akin. Baka kung kailan patapos na ay tsaka pa ako mahuli. Dahan-dahan syang tumango habang naka titig sa akin. “Alright I’ll see you there after my appointment “ bago pa ako naka react ay lumapit na sya sa akin at naramdaman ko ang pag dampi ng kanyang labi sa aking pisngi. The way his lips lingered on my cheeks was too sensual, at mabagal din syang lumayo sa akin. Nangunot ang noo ko habang tinitignan nyang paalis. Hindi ko naintindihan ang sinabi nya. Did he mean we’ll meet at the palace or some other day? Or maybe sinabi nya lang iyon para hindi nakaka hiya like how the usual boys would say “talk to you later” then ghost you afterwards. Yeah, maybe that’s it.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD