Kanina ko pa siya lihim na pinagmamasdan. Nandito ako sa labas ng opisina niya. Hindi maalis alis sa isipan ko ang sinabi ni Thor. Totoo lahat ang sinabi ni Thor dahil habang tumatagal mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko na kayang hindi siya makita ng maghapon. Makita ko lang siya kontenro na ako. Noong nasa amusement park kami parang ayaw ko ng matapos ang oras nun. Dahil napaka saya ko noong araw na yun nakasama at nahawakan ko siya nun. Napapangiti ako sa tuwing naaalala ko yun. At ang batang yun. Napaka pilyo. Pero hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Sa tuwing tatawagin niya akong Daddy parang lumulokso ang puso ko. Hindi ko alam pakiramdam ko totoong anak ko siya. Pero imposible yun. Kinabukasan maaga pa gising na ako nilinis ko ang kotse. Pagkatap