Gabi na wala parin si Erus . Nagaalala na ako. Sige narin Ang tanong ng anak ko sa akin. Hangang nakatulog na ito. Hindi ko naman mabuksan ang Cellphone ko. Kabilin bilinan niya nung papunta kami dito na wag Kong bubuksan ang Cellphone ko. Pag nandito na kami. Papasok na ako sa silid namin ng Marinig ko ang tunog ng bangka sa tabing dagat. Napatakbo ako sa terrace. Nakita ko si Erus ang daming dala. Bumaba ako ng hagdan. Nakita ko na kausap niya ang magasawa. Mukhang seryoso ang pinaguusapan nila. Palapit na ako ng marinig ko ang ospital. Kaya napalapit ako sa kanila "Sino ang nasa ospital?" Tanong ko sa kanila. Sabay sabay silang napalingon sa akin. "Ah..May nadisgrasya daw sa pamilihan dinala Muna sa ospital ni Erus kaya pala natagalan siya." Sabi ni Mang Domeng. Saka nagpaalam na