bc

Queen Chismosa meets the King Casanova(R-18)

book_age18+
1.9K
FOLLOW
7.8K
READ
possessive
sex
kidnap
opposites attract
playboy
CEO
comedy
bxg
enimies to lovers
virgin
like
intro-logo
Blurb

Tulak ng bibig, kabig ng dibdib, ang katagang nagpapakilig sa mga pusong umiibig. Pero kapahamakan naman ang dulot kung magmumula ito sa matabil na dila ng tinaguriang Chismosa Queen ng bayan na si Evelyn Samonte.

Hindi na nagtaka ang lahat nang may tumulak kay Evelyn upang ipasagasa sa gitna ng kalsada. Mabuti na lamang at maagap ang nagmamaneho ng kotse na si Andrew de Leon, ang tinaguriang King Casanova dulot ng mga nakaraang kabiguan nito sa pag-ibig.

Hindi maganda ang engkuwentro ng dalawa, kapwa nagpapataasan ng pride at tunay na walang nagpapatalo.

Ngunit hindi pa man nagkakasundo sina Evelyn at Andrew, ikinaalarma na ito ni Veronica Agapito, ang ambisyosa at matapobreng ex ni Andrew na ang tanging hangad lamang ay ang kayamanan ng huli. Sa tulong ng kanyang ama ay ginawa niyang miserable ang buhay ng dalawa.

Magawa kayang malampasan ni Evelyn ang kamalasang dulot ni Veronica kung wala namang pag-ibig na nag-uugnay sa kanila ni Andrew upang kanyang panghawakan at sandigan?

Ano ang kayang isakripisyo ni Andrew para sa kaligtasan ni Evelyn? 

chap-preview
Free preview
Chapter 1 Pagsugod ni Kapitbahay(Simula)
Tsismis dito, tsismis doon, kaugaliang minana ng dalaga sa kanilang lugar. Walang sekreto ang hindi puwedeng hindi mabunyag oras na mamataan ka ng isang Queen Chismosa. “Hoy, Evelyn! Lumabas ka riyan! Harapin mo ako! Demonya kang tsismosa ka! Ano ’yung pinagsasasabi mo na guwapo ako? Este may kahalikan akong matrona, huh?” sigaw ng kapitbahay na si Berto habang kinakalampag ang gate. “Hoy, hoy! Huwag mong sisirain ang gate namin kung ayaw mong ikaw ang gawin kong gate! Ano’ng pinagpuputol ng butsi mo r’yan, huh?” sagot ng dalaga habang papalabas ng bahay nila. May dala pa siyang itak. Madalas kasi ay sinasaktan siya ng mga taong sumusugod sa bahay niya. “Gaga ka! Hiniwalayan ako ng girlfriend ko kasi ipinamalita mong may kahalikan ako sa kanto na matrona! Wala kang pruweba para gawin iyon. Masyado ’yang bibig mo! Kung ano-ano na lang ang sinasabi kahit hindi naman totoo! Bawiin mo ang sinabi mo sa girlfriend ko, kung hindi ay makakatikim ka sa akin!” galit na wika ng lalaki. Kaunti na lamang ay susuntukin na siya nito. “Hala, siya! Bakit ko babawiin kung totoo? Gusto mo ng pruweba? Sige ’yon lang pala, eh.” Dinukot niya ang cell phone sa bulsa at nagpipindot doon. Ilang segundo lamang ay iniharap na ng dalaga ang cell phone at ipinanood ang video sa lalaki. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata nito dahil kita sa video ang ebidensiya. “P-paano ka nagkaroon ng video na ’yan? E-edit lang iyan, hindi totoo! Inilagay mo lang ang mukha ko riyan para kunwari, may pruweba ka,” pagsisinungaling ng lalaki. Pero alam nito na totoo ang nangyayari sa video. Nangyari iyon noong isang araw lamang. Hinalikan niya ang babae kapalit ng isandaan na hinihiram niya rito pambili sana ng ireregalo sa girlfriend niya. Naubusan kasi siya ng raket sa pagtawag ng mga pasahero sa terminal ng mga jeep. Hindi niya akalain na makikita siya ni Evelyn. Ito ang pinaka-iniiwasan ng lahat sa kanila. Kahit na nakatanggap ito ng summon sa barangay o kahit na saktan ng kung sino ay hindi pa rin matigil ang pagbuka ng bibig nito. “Sure ka na edit ko lang ito? Huh? Huwag ako, uy! Kapag ako, nagkuwento, sinisigurado kong may ebidensya ako. Hindi katulad ninyo na gagawan n’yo lamang ako ng kuwento, kulang pa sa detalye. At hindi ko na kasalanan iyon kung hiniwalayan ka ng kasintahan mo. Hindi ka naman talaga kamahal-mahal, eh. Tingnan mo nga iyang sarili mo, nanlilimahid ka sa libag. Ew lang talaga!” panlalait pa ng dalaga rito. Tila nahiya naman ang lalaki. Aalma pa sana ito ng sagot nang itapat niya rito ang bagong hasa niyang itak. “Subukan mong sumagot, tatapyasan ko iyang nguso mo! Umalis ka na nga sa harap ko, naaalibadbaran ako sa ’yo, Berto! Ang aga-aga, kung makasugod, akala mo naman, ikabubuhay ko ang mga sinasabi mo, tse!” pagtataboy niya rito at agad siyang pumasok sa loob ng bahay nila. Isa lamang sa mga kapitbahay ng dalaga ang bumubulabog ng umaga niya. Halos araw-araw ay ganito ang eksena sa labas ng gate nila. Mga kapitbahay na nagrereklamo ukol sa kanya. Madalas pinaba-barangay pa siya. Pero wala namang magawa ang mga ito. Likas lamang talaga sa kanya ang maging matabil ang dila. Evelyn Samonte, a.k.a. Queen Chismosa ng Barangay Magsaysay, Laguna. Maganda, matangkad, at may appeal din naman talaga. Ngunit wala man lang kahit isang may lakas ng loob na manligaw sa kanya dahil sa talas ng bibig niya araw-araw. Natatakot na baka kapag niligawan siya ng mga binata sa lugar nila ay bigla na lamang maging trending ang mga ito at hot topic pa. Magaling siyang gumawa ng kuwento na kahit sino ay mapapaniwala. At higit sa lahat, mahilig siyang kumuha ng mga pruweba. Para kung ma-barangay siya ay may panlaban siya palagi. Ngunit kahit isa ay walang may gustong manligaw sa kanya. Natatakot na baka bigla silang maging headline ng buong barangay oras na hiniwalayan siya. Sa edad na beynte y singko, hindi niya pa nararanasan ang maligawan ng lalaki. Wala rin naman siyang pakialam doon, basta masaya siya sa buhay niya kasama ang kapatid niyang si Marites. Dalawa na lamang sila na magkatuwang sa buhay dahil pareho nang patay ang mga magulang nila. Nauna ang ina niya dahil sa sobrang depression. Madalas kasi itong saktan ng kanyang ama noong bata pa siya. At tampulan sila noon ng tsismis. Masakit man na lagi silang topic noon sa kanilang lugar, hinayaan niya na lamang. Nang mamatay naman ang kanyang ama dahil inatake ito sa puso matapos mailibing ang kanyang ina, mas lalo silang naging hot topic sa paligid nila. Kesyo karma raw sa ama niya dahil walang ginawa kundi manakit ng asawa. Sa mga karanasan niya noon sa lugar nila, isinumpa niya na balang-araw, hindi niya rin sasantuhin ang mga kapitbahay niya. At doon nagsimula ang pagiging Reyna ng Chismosa ni Evelyn. “Ate, sino na naman ang sumugod sa iyo?” tanong ng kapatid niya pagkapasok niya sa pintuan. May pasok pa siya sa trabaho niya sa hotel bilang HR personnel, pero ito, may almusal na siyang bulyawan sa labas ng bahay nila. Sa bagay, sanay na rin naman siya. Hindi na bago iyon. “Si Berto, ang jowa ni Petra. Aba! Hiniwalayan ng kasintahan, ako sinisi? Gago talaga ’yon. Tangina niya!” gigil niyang angil sa kapatid. Bad trip na naman ang umaga niya. “Bakit ka niya sinisisi?” dagdag nitong tanong bago naghain ng almusal nilang dalawa. Nag-aaral sa high school ang kapatid niya. Graduating na ito. Siya na ang nagtaguyod sa kapatid simula nang maulila sila sa magulang. Mabuti na lamang at may naiwan ang mga ito sa kanila: ang bahay na kahit maliit at medyo may tagpi na ang bubong at dingding ay matibay pa rin. Dito na sila lumaki. Kilala na rin nila ang likaw ng bituka ng mga kapitbahay. Kung sanay na siya sa agahan na pagsugod ng mga kapitbahay niya, sanay na rin ang mga ito sa matabil niyang dila. Quits lang. “Bakit ko raw pinagsabi sa iba na nakipaghalikan siya sa kanto? Eh, totoo naman iyon. Kahit hindi ko ipagsabi, alam kong may nakakita rin sa kanila ng matrona na kahalikan niya. Lakas makagago, eh. Maghahanap lang ng iba, matrona pa ang hanap. Ganda kaya ni Petra. Lalo kapag nilagyan ng pustiso iyon. Hahakot ng papabol ’yon, makita mo,” sagot niya sa kapatid at naglagay ng pagkain sa plato niya. “Tsk! Ikaw talaga, Ate, lagi mo na lang pinakikialaman ang ibang tao. Mag-focus ka nga sa buhay mo. Nag-aalala ako sa iyo. Baka mamaya, hindi lamang sumugod ang mga tao rito sa bahay natin. Worst eh baka bigla na lang may pumatay sa iyo riyan sa labasan,” tila kinikilabutan na turan ng kanyang kapatid. Mas mature itong mag-isip sa kanya. Palibhasa, nakatutok lamang ito sa pag-aaral at iyon naman talaga ang gusto niya sa kapatid. Ang mag-aral nang mabuti. Ganoon din siya noon, pinagsabay niya ang pag-aaral at pagtatrabaho, kaya ngayon ay medyo nakaalwan na sa buhay. Lagi niyang pinapayuhan ang kapatid na pangarap muna bago landi. Mabuti naman at mabait ito. Siya nga lang talaga ang pasaway. “Hindi ’yan. Maniwala ka sa kanila. Eh ’di sana, noong magulang natin ang hot topic nila rito sa lugar, sana may isa man lang nasaksak kahit na gamit ay stick ng banana cue, ’di ba?” “Ewan ko sa ’yo, Ate. Ang hirap mong paliwanagan talaga. Bahala ka na nga. Matanda ka na rin naman,” sumusukong turan ng kapatid niya. Mabilis itong mapikon, hindi katulad ni Evelyn na lahat ay idinadaan sa kapilosopohan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook