Chapter 19

1819 Words
KAHIT inaantok pa ay pilit na iminulat ni Matthew ang mga mata nang hindi niya maramdaman si Thalia sa tabi niya pagsapit ng umaga. Napilitan siyang bumangon at umupo sa kama kahit na inaantok at mumukat-mukat pa siya. Nilibot niya ng paningin ang buong kuwarto pero hindi niya nakita sa loob ng silid ang dalaga. Dumapo ang mga mata ni Matthew sa kama, sa parte kung saan ito humiga at agad na nanlaki ang kanyang mga mata nang magkita roon ng pulang mantsa. Dugo ba ito? What the f**k! May nangyari ba sa amin ni Thalia? Pero bakit wala akong maalala? Natigilan si Matthew habang nakatitig sa mantsa ng dugo sa kobre-kama. Pinilit niyang alalahanin ang mga nangyari kagabi lalo na ang nangyari sa pagitan nila ni Thalia pero hindi niya talaga maalala na nakuha niya ang kainosentehan nito. Malinaw sa isipan niya ang mga ginawa niya sa dalaga mula sa banyo hanggang sa ibabaw ng kama pero sigurado siyang bukod doon ay walang ibang nangyari sa kanilang dalawa dahil pagkatapos niya itong paligayahin gamit ang bibig niya ay tinulugan siya ni Thalia. Hindi rin nagtagal matapos makatulog ng dalaga ay nawala ang epekto ng kung anong inilagay ng kambal sa alak na ininom niya kaya nakatulog na rin siya. Pero bakit may mantsa ng dugo sa kama? Naputol ang pagbabalik-tanaw ni Matthew sa nangyari kagabi nang biglang bumukas ang pinto ng banyo at lumabas doon si Thalia. Hawak nito ang puson na para may sakit itong iniinda sa parteng iyon. Dahan-dahan din ito sa paglalakad dahilan para mas lalo pang lumakas ang hinala niya na may nangyari sa kanila ng dalaga at hindi niya lang iyon maalala. Gusto niyang saktan ang sarili sa mga oras na iyon dahil nagawa niya iyon kay Thalia, nagawa niyang pagsamantalahan ang kainosentehan ng babaeng mahalaga sa kanya. "Patawarin mo ako. Hindi ko sinasadya ang nangyari kagabi, hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko. Maiintindihan ko kung magagalit ka sa akin at handa kong tanggapin iyon. Huwag kang mag-alala dahil pananagutan kita," wika ni Matthew habang nakatingin sa dalaga na kasalukuyan ring nakatingin sa kanya habang marahan itong naglalakad palapit sa kama. Wala siyang pinagsisisihan sa nangyari sa kanila ni Thalia kagabi pero hindi niya maiwasang hindi makonsensya dahil kahit saan daanin ay lumalabas na pinagsamantalahan pa rin niya ang kainosentehan nito, kahit na sabihing pumayag ito o may permiso siya ng dalaga. "Masakit ba?" hindi napigilang tanong ni Matthew nang makita ang pagngiwi ni Thalia nang umupo ito sa kama. Napahinga siya nang malalim nang maraha itong tumango. "Masakit pero ayos lang po ako. Buwanan ko naman po itong nararanasan kaya sanay na po ako. Mawawala rin naman po ito mamaya," sagot ni Thalia na ikinakunot ng noo ni Matthew. Buwanang nararanasan? Posible kayang mali ang hinala niya na may namagitan sa kanila kagabi ng dalaga? Pero base sa naaalala niya ay imposible talagang may nangyari sa kanilang dalawa. "Anong ibig mong sabihin? Hindi ba masakit ang nasa pagitan ng mga hita mo dahil sa nangyari sa atin kagabi? At itong mantsa ng dugo sa kama, bakas ito ng pagkapunit ng pagkabirhen mo kagabi, 'di ba?" naguguluhang tanong ni Matthew na ikinakunot rin ng noo ni Thalia. Bumaba ang mga mata nito sa mantsa ng dugo sa ibabaw ng kama at nanlaki ang mga mata nito nang makita iyon na parang ngayon lang nito iyon napansin. "Hala! Pasensiya na po. Hindi ko po kasi akalain na ngayong araw dadating ang buwanang-dalaw ko. Ako na lang po ang maglalaba nito mamaya," paghingi ng paumanhin ni Thalia na ikinanganga ni Matthew. "Buwanang-dalaw? Ibig sabihin ay walang nangyari sa atin kagabi?" hindi makapaniwalang tanong ni Matthew. "Ano pong nangyari kagabi? Bukod po sa kinain mo ako ay wala na po akong ibang maalala," inosenteng sagot ni Thalia na mabilis na ikinaiwas niya ng tingin sa dalaga. Siya ang nakaramdam ng hiya sa pagiging bulgar nito. f**k! It's his damn fault! Kung ano-ano kasi ang itinuturo niya kay Thalia. Sinisimulan na niyang dungisan ang kainosentehan nito. "It's good to hear na walang namagitan sa atin kagabi. Pero kahit ganoon ay pananagutan pa rin kita," wika ni Matthew at kahit papaano ay nakahinga siya nang maluwag. Hindi naman sa ayaw niyang may mamagitan sa kanila ni Thalia dahil isa iyon sa inaasam-asam niyang mangyari sa pagitan nila ng dalaga pero hindi katulad kagabi na halos wala siyang pagtitimpi sa sarili niya. At malaki ang pasasalamat niya dahil hindi nagtagumpay ang plano ng kambal. ***** "Maayos na ba ang pakiramdam mo? Hindi na ba masakit ang puson mo?" bakas ang pag-aalala na tanong ni Matthew na ikinangiti ni Thalia. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na niyang narinig ang tanong na iyon mula sa binata para siguraduhin kung maayos na ang pakiramdam niya. Ilang beses na siyang tinanong nito bago ito pumasok sa banyo para maligo at pagkalabas nito ay iyon pa rin ang tanong nito sa kanya. Napapangiti na lang siya sa kakulitan nito. "Maayos na po ang pakiramdam ko. Pero gutom na po ako," nakangusong wika ni Thalia na mahinang ikinatawa ni Matthew. Ginulo nito ang buhok niya na lalong ikinasimangot niya. Bahagya pa siyang nagulat nang maramdaman niya ang paglapat ng labi nito sa labi niya pero mabilis lang iyon. "Tara na sa ibaba, ipagluluto kita..." malawak ang ngiting wika nito na ikinatango ni Thalia. Lumabas sila sa kuwarto at ramdam niya ang pag-alalay sa kanya ni Matthew habang pababa sila sa hagdan. Nakaagapay din ito sa kanya hanggang sa makarating sila sa kusina kung saan nila naabutan ang kambal na nagkukulitan habang nagluluto. Saglit na natigilan si Thalia sa bukana ng kusina habang nakatingin sa dalawa, hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng inggit sa nakikitang pakikitungo ng mga ito sa isa't isa. Sobrang magkasundo ang mga ito, ibang-iba sa kanilang dalawa ng kapatid niyang si Bettina. "Ayos ka lang ba?" tanong ni Matthew nang mapansin nitong natigilan siya habang pinanonood ang nagkukulitang kambal na parang mga bata. Parang sila lang noon ng kanyang Kuya Theo noong mga bata pa sila, noong hindi pa ito umaalis sa tabi niya. "Ayos lang po ako. Naiinggit lang ako kina Warren at Darren dahil magkasundo sila. Halatang mahal nila ang isa't isa," malungkot na sagot ni Thalia na ikinahinga ni Matthew nang malalim. "Hindi ba at may isa ka pang kapatid na babae? Hindi ba kayo magkasundong dalawa?" tanong ni Matthew na malungkot na ikinailing ni Thalia. "Hindi kami magkasundo. Mula noong mga bata pa kami ay lagi siyang galit sa akin. Sinira ko daw ang pamilya niya at inaagaw ko rin daw sa kanya si Kuya Theo. Lagi rin akong napagagalitan at naparurusahan dahil sa kanya. Lagi siyang gumagawa ng kuwento para siraan ako sa aming ama para mapagalitan at maparusahan ako," sagot ni Thalia habang binabalikan sa isipan ang mga dinanas niya sa mansion noon dahil sa kagagawan ni Bettina. "Masama ang ugali niya katulad ng kanyang ina. Madalas ay sinasaktan nila ako noong bata pa ako, mas mahigpit pa sila kaysa sa aking ama," dagdag ni Thalia at kita niya ang biglang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ng binata. Parang bigla itong nagalit nang marinig ang kuwento niya. "Huwag kang mag-alala dahil ipaghihiganti kita. Dawit sila sa kasamaan ng iyong ama kaya magkakasama silang magbabayad sa mga kasalanang ginawa nila sa 'yo at sa aking pamilya," wika ni Matthew bago siya nito niyakap. "Hindi po ba masama ang gumanti?" "Depende sa sitwasyon, my Thalia. Ginagawa ko ito para makamit ang hustisya para sa pagkamatay ng aking mga magulang. Mabigat ang kasalanang ginawa ng iyong ama kaya dapat lang na magbayad siya," paliwanag ni Matthew na marahang ikinatango ni Thalia habang nanatiling yakap siya ng binata. "Gagamitin mo pa rin ba ako sa paghihiganti mo? Handa kitang tulungan kung may maitutulong ako," wika ni Thalia. Kumalas sa pagkakayakap sa kanya si Matthew bago tiim na tinitigan siya. "No, my Thalia. Wala kang kinalaman sa kasalanan ng iyong ama at isa ka lang ding biktima ng kasamaan niya. Hangga't maaari ay ayaw kong madadamay ka sa magiging away naming dalawa," wika nito bago siya hinalikan sa noo na ikinapikit niya. "Awww... Ang sweet naman ng baby boy namin," biglang wika ni Darren na ikinagulat ni Thalia dahilan para bahagya niyang maitulak si Matthew. Hindi nila namalayan na nasa tabi na pala nila ito kasama ang kakambal nitong si Warren habang pinanonood silang dalawa. May hawak itong sandok habang si Warren naman ay may hawak na tinidor na may nakatusok na hotdog na ibinigay nito sa kanya. "Salamat," pasasalamat niya kay Warren bago tinanggap ang hotdog na ibinibigay nito. "Walang anuman, baby girl," malawak ang ngiting wika nito at kumindat pa sa kanya. "Gusto mong eye ball mo naman ang tusukin ko gamit ang tinidor?" wika ni Matthew habang masamang nakatingin kay Warren. "At baka akala n'yo ay nakalimutan ko na ang ginawa ninyong dalawa kagabi?" dagdag pa nito na ikinangisi lang ng dalawa. "Seloso!" wika ni Warren bago sila tinalikuran at bumalik sa ginagawa nito. "Masungit!" wika naman ni Darren bago sumunod sa kakambal dala-dala pa rin ang sandok. Pagkatapos magluto ng kambal ay nagpresinta si Thalia na siya na ang maghahanda ng pagkain sa hapag. Pumayag naman ang kambal at tinulungan siya ni Matthew. Hindi na lang nila pareho pinansin ang mapanuksong tingin ng dalawa habang hindi nawawala ang ngisi sa labi ng mga ito. "Kumusta kagabi? Masarap ba? Nakailang rounds? Tatlo? Apat? O baka naman lima?" nanunuksong tanong ni Darren nang magsimula silang kumain. Kumunot ang noo ni Thalia dahil hindi niya maintindihan ang sinabi nito. "Anong masarap? At anong rounds?" hindi napigilang tanong pabalik ni Thalia sa binata. "Huwag mo na lang silang pansinin. Sa pagkain mo na lang ituon ang atensyon mo," pagsingit ni Matthew habang sa pagkain nakatuon ang atensyon nito. "Wala bang ginawa si Matthew sa 'yo kagabi?" pagpapatuloy ni Darren bago ito sumubo ng pagkain. Hindi nito pinansin si Matthew nang mag-angat ito ng mukha at masama itong tiningnan. "Ginawa? Wala naman. Bukod sa bigla siyang naging aswang at kinain niya ako ng buhay," inosenteng sagot ni Thalia at kumunot ang noo niya nang sabay na sunod-sunod na umubo ang dalawa. "Deserve..." dinig niyang bulong ni Matthew habang pigil ang pagtawang nakatingin sa kambal na pareho nang namumula ang mga mukha dahil nabulunan ang mga ito ng pagkain. "Ayos lang kayong dalawa?" nag-aalalang tanong ni Thalia sa kambal nang makainom ang mga ito ng tubig. "Dahan-dahan lang kasi sa pagkain. Hindi naman kayo mauubusan," dagdag niya at narinig niya ang pagtawa ni Matthew sa tabi niya. "Ikamamatay yata naming dalawa ang pagiging inosente mo, Thalia," wika ni Warren na ikinakunot lang ng noo ni Thalia dahil hindi niya mawari kung ano ang ibig nitong sabihin. "Ngayon lang namin nalaman na may lahi ka palang aswang, bro. Ano, kumusta? Masarap ba ang naging una mong biktima?" wika ni Darren bago napuno ng halakhak ng kambal ang buong kusina.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD