Wala akong ibang hinangad kundi mahalin niya at pansinin niya. Natuwa ako noong ikinasal kami ni Mike Buenaventura. Anak ng matalik na kaibigan ng mga magulang ko.
Marami akong naging boyfriend pero si Mike lang ang binigyan ko ng p********e ko. Akala ko ay magiging masaya ako sa piling niya pero hindi pala. Dahil kahit magkasama kami ay ibang babae ang tinitibok ng kanyang puso.
Akala ko lahat ng lalaki ay kaya akong mahalin, pero hindi pala dahil si Mike ay malamig ang pakikitungo sa akin.
Naging sunod-sunuran ako kay Mike dahil sa laki ng pagmamahal ko sa kanya.
At inaasahan ko na matutunan niya rin ako mahalin.
Pero paano na lang na humantong ang relasyon namin sa hiwalayan at nagiging sanhi pa ito ng pagtakwil ng aking mga magulang ano ang gagawin ko? Gayong wala na akong malalapitan. Lalo na at sumilang ako ng tatlong mga anak na kamukha niya?
Ipakilala ko ba sila sa ama nila na siyang nagdulot ng matinding kahirapan sa buhay ko? O hayaan ko na lang na hindi nila malalaman ang totoo sa pagsilang ko ng mga anak ko sa lalaking minahal ko. Pati mga magulang ko ay itinakwil ako dahil lang sa maling paratang ng asawa ko. Makakaya ko kaya ang lahat ng ito?