Chapter 17 Jasmine Pagkatapos ko maglinis ay pumunta ako sa mga kabayo. Pinakain ko sila ng dagami. Atleast, kahit papaano ay mabawasan ang inis ko sa tukmol na 'yon at nakaganti ako kay Mike. Hehehe… Hindi ko napansin ang pagdating ni Mang Danny. ''Pinakain mo na pala ang mga kabayo, Iha?'' bati nito sa akin. ''Opo, Mang Dany. Sa'n po kayo galing?'' tanong ko. ''Nagpapatuka ako ng manok na pangsabong. Tuwing fiesta ay may palaro sa plaza ng panabong na manok. Isa iyan sa mga alaga ni Sir Mike lalo na si Jush. 'Yong paborito nilang manok ni Ma'am Cathy. Lagi nananalo 'yon,'' papuri ni Manong sa kaniyang amo. Napaismid ako nang mabanggit niya ang pangalan ng babaeng iyon. ''Sige Mang Dany, mauna na po ako sa inyo,'' paalam ko nang matapos ko na pakainin ang mga kabayo. Tumang