When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Stephanie Miles POV* Nakarating na ako sa palasyo namin hindi isang mamamayan katulad kahapon kundi isa na namang katulong sa palasyo. Wala lang trip ko lang. (Imagine niyo nalang na Korean ang kanilang sinasabi.) "Sino po sila?" Mukhang bago pa ito dahil di ko pamilyar ang kanyang mukha. "Stephanie ang pangalan ko. May kilala ka bang may ganung pangalan?" Nag isip naman siya nang magsalita muli siya. "Ang mahal na Prinsesa po may ganyang pangalan, Binibini. Pero magtatanong muna ako sa mga kasamahan ko na matagal na po dito sa palasyo. Di po kasi ako pwede agad magpapasok ng mga di ko pa po kilala. Pasensyahin niyo na po." Magalang na sabi niya na kinangiti ko. "Ayos lang." Nakangiting sabi ko at pumasok naman siya at di katagalan may dala na siyang kasamahang gwardya at nanlalakin