Natapos ang laban na kami ang nanalo! Puro yabang lang naman ang mga yun mga walang binatbat. " Kuya, ang galing niyo pong magbasketball. Gusto ko maging katulad niyo rin po. " sabi nong batang dala ni Nicole kanina. Mikki yata ang pangalan niya. Lumapit ako sa kanya saka siya kinuha kay Nicole at kinarga ito. " Gusto mo turuan kita? " sabi ko sa kanya. Nagliwanag naman yung mukha niya ng sabihin ko yun sa kanya. " Talaga kuya! " masaya niyang sabi. Pero bigla naman itong nalungkot at napatingin kay Nicole na busy ngayon sa pakikipag-usap don sa tatlo. " Kaya lang po, pano si Tita? " malungkot nitong sabi. " Ha! Bakit anong meron kay Tita mo? " nagtataka kung tanong sa kanya. " Siya po kasi yung nagtuturo sa akin magbasketball. " malungkot nitong sabi. " Edi! Kaming dalawa nalan