* Nicole POV * Nandito ako ngayon sa tapat ng school naghihintay kay Mela. Napag-usapan kasi namin kanina na sabay kaming umuwi. Katatapos lang din ng laro ko ang dali lang naman talunin ng kalaban ko walang kahirap-hirap. " Nicole! " napatingin naman ako sa taong tumawag sa akin. " Sabi ko na nga bang makikita pa kita. " sabi nya ng makalapit siya sa akin. Ito na namang lalakeng to, hindi ko talaga siya matandaan. Ni hindi ko nga alam na may kaibigan ako. " Sino kaba talaga at anong kailangan mo sa akin?! " inis kung sabi sa kanya. " Hindi mo talaga ako matandaan? Ako to si Jared yung kaibigan mong lagi kang sinasali sa gulo. " " Gulo? " nagtataka kung tanong sa kanya. " Oo! Lagi nga tayong magkasamang tatlo kapag may away e. Natatandaan mo ba si Denise, yung tinalo mo sa race,