Hanggang ngayon iniisip ko parin yung shoes na gusto ko. Nanghihinayang talaga ako kapag hindi ko yun nabili, nandun na yun kanina e pero hindi ko pa nabili. Nakakainis kasi si Kevin, bakit sinama ko pa kasi siya. Nag-iisip ako ngayon habang tumutulong sa kanila sa paggugupit kung ano ang gagawin ko para makuha ko yung sapatos na gusto ko. Isip.. Isip.. Isi-Tama! Bakit hindi ko yun naisip kanina. Pwede ko naman palang balikan yun pagkatapos ng klase namin, siguro naman hindi pa yun nabibili diba? Napangiti ako sa sariling isip ko, galing ko talaga bakit hindi ko yun naisip kanina sa halip na namumugto ako dito. " Anong ngiti-ngiti mo dyan? " tanong sa akin ni Mela. " May inisip lang. " nakangiting sabi ko sa kanya. " Sino boyfriend mo no. " nakalukong tanong niya sa akin. Bago pa a