THIRD PERSON'S POINT OF VIEW HINDI mapakali si Mischa habang mahigpit na hawak ni Kevin ang kamay niya. Masaya silang kumakain ng breakfast kasama ang buong myembro ng Exodus, nagkekwentuhan at nagtatawanan pero ito s'ya, hindi mawaglit ang tingin n'ya kay Kaislr. 'Bakit ang bilis n'yang sumuko sa akin?' tanong n'ya sa isip niya. Mas lalo s'yang naguluhan sa nararamdaman niya. It was clear in her mind the she's still in love with Kevin. Hindi magbabago ang nararamdaman niya rito pero ngayon... Pero ngayon nagugulumihanan na s'ya sa dapat n'yang maramdaman. Kaislr came into her world like a hurricane; he accepted her and loved despite of everything. Despite of being a boy band's personal slave. Napabuntong hininga at saka ibinaba ang tinidor niya at kinatahimik ng lahat. "Mischa, may sa