(THIRD PERSON's POINT OF VIEW) HINDI maitago ni Kaislr ang ngiti sa kaniyang mukha habang nakikinig ng music sa kaniyang headset. Sa tuwing naalala n'ya ang mga sinabi ni Mischa, ang pag-amin nito sa kaniya. Pakiramdam niya kumpleto na ang kaniyang buhay. Si Mischa na lang ang kulang sa buhay n'ya, he was willing to take risk for her. Ngayon pa na alam n'yang mahal s'ya nito, handa na s'yang ipaglaban ang babaeng mahal niya. Napatingin siya sa orasan at napansin n'yang diyes oras na ng gabi. He was starting to wonder what took Mischa and Kevin so long to arrive. "Hinihintay mo ba si Mischa?" Manager Wenn asked him at saka ito inabutan ng isang can ng beer. Tumango s'ya rito. "Oo, bakit kaya ang tagal nila? I miss her so much, A day without her was exhausting para akong manghihina. Wala